^

PSN Palaro

Matagumpay na taon ng MayniLA Sports

-
Ang dinamikong father and son tandem ng MayniLA Sports ang nagbukas ng pinto para sa mahigit na isang million ka-barangay na mahasa ang talento ng mga kabataan sa Big City, hindi lamang para sa hinaharap na maging sports heroes kundi ang maging bahagi ng lipunan.

Pinasimulan ng mag-amang sina Manila Mayor Lito Atienza at ng kanyang anak na si Arnold ‘Ali’ Atienza, chief ng Manila Sports Council (MASCO) ang pagi-implementa ng ilang programa sa siyudad para sa mga kabataan na naging matagumpay naman ngayong taon.

Una sa kanilang ginawa sa taong ito ay ang pagtatag ng MASCO sa iba pang local government sports councils, kabilang ang Philippine Association of Sports Coordinators (PASCO), sa paggawa ng drafting partnership agreement na siyang pag-asa upang mapalawig ang pagkuha at paghasa sa mga talento na may suporta mula sa national government’s sport development agenda para sa kabataan.

At noong Abril 17-24, nagtipon-tipon ang mga mahuhusay na 17-under athletes mula sa buong Big City sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex para sa isang malaking kompetisyon--ang fourth edisyon ng Manila Youth Games (MY Games).

Tampok ang team ng ‘Manila Sports, Kasali Ka’, mahigit sa 10,000 atleta mula sa 897 barangays, anim na congressional districts at 130 public at private schools sa capital city ang nagpakita ng aksiyon sa isang linggong games kung saan pinaglabanan ang mga sports disciplines gaya ng athletics, badminton, baseball, chess, dancesports, football, gymnastics, softball, swimming, table tennis, lawn tennis, taekwondo, volleyball at paralympics.

At dito, hindi matatawaran ang pagpupursige ni Mayor Atienza na maimolde ang mga kabataan sa isang pinakamalaking citywide sports gathering na inorganisa ng local government unit.

At nito ring 2005, mahigit sa 50,000 runners mula sa buong section ng society kabilang ang pinakamahuhusay na marathon at long distance runners sa bansa ang nagkita-kita sa Rizal Park noong July 24 upang sumabak sa pinakamalaki at isang araw na karera sa bansa--ang Third Manila Marathon.

At ang karerang ito sa Big City ay muling inorganisa ng MASCO na posibleng makagawa ng records at inaasahan ring mapapasama ito sa Guinness Book of World Records dahil sa iinaasahang paggiba sa dating record na 38,706 na naitala noong Centennial Boston Marathon.

At sa kanilang partnership agreement na nagpuwersa sa MASCO nitong kaagahan ng taon sa iba pang local government sports council, na nagpasimula ng kanilang grassroots development program sa Big City upang mahasa pang lalo ang athletic skills ng mga batang residente ng siyudad tungo sa national competitiveness ng kanilang kabataang talento.

Taglay ang theme na ‘Your Game, Our Game, MY Games’ nagtipon na naman ang mga mahuhusay na kabataang atleta mula sa buong bansa sa idinaos ng Big City na kauna-unahan at pinakamalaking national multi-event competition na pinasimulan ng government unit--ang First Manila Youth Games (MY Games) National Invitational noong Oct. 23-30 sa iba’t ibang venues sa capital city.

At ang inagurasyon ng pagtatanghal ng isang linggong event ay sinalihan ng mahigit sa 2,500 mahuhusay na atleta mula sa 33 major cities, municiplaities at provinces at ang mga athletes mula sa USA, Hawaii, Canada, at England.

At ang huling tagumpay ng MayniLA Sports ang pagdaraos nila ng Third ASEAN Para Games na nagtatampok sa mga atletang may kapansanan nitong Dec. 14 sa Rizal Memorial Track and Football Stadium.

At sa taong 2006, layunin ng father and son tandem ng MayniLA Sports na lalo pang paunlarin ang mga nauna ng programa ng capital city hindi lang para sa kanilang siyudad kundi para sa kabataan sa buong bansa.

BIG CITY

CENTENNIAL BOSTON MARATHON

CITY

FIRST MANILA YOUTH GAMES

GAMES

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

KASALI KA

PARA

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with