Lalo na kung ang lalaking ito ay si Mark Caguioa, na napatunayan ng isang offensive power na nakahanda sa isang situwasyon kung saan kailangan na kailangan ang tulad niya na siyang magbibigay sa kanyang Barangay Ginebra team ng kinakailangang pagbangon.
At muli, pinatunayan ni Caguioa ang kanyang kahusayan mismo sa araw ng Pasko ng tumapos ito ng 25 puntos upang sagipin ang Gin Kings sa 96-89 panalo laban sa Alaska Aces na naghatid sa kanila sa playoff para sa awtomatikong semifinals berth sa PBA Fiesta Conference.
Nagpakitang gilas rin ang import na si Chris Porter ng kumana ng 29 puntos at 16 rebounds at ang reserve na si Rodney Santos na humataw naman ng 18 puntos mula sa 25 minutong paglalaro kabilang ang three-pointer sa huling maiinit na bahagi ng labanan.
Ngunit, mas malinaw na si Caguioa ang nagbigay ng buhay sa opensa ng Gin Kings na siyang kailangan-kailangan na nagpahanga sa mga miyembro ng PBA Press Corps upang siya ay mapiling San Mig Coffee Player of the Week.
"I cant say enough of Mark. He just took over the offense," wika ni Ginebra coach Siot Tanquingcen patungkol sa 2001 Rookie of the Year na umiskor ng 12 sa 97-92 panalo ng koponan laban sa Talk N Text limang araw ang nakakalipas.
"Thats the reason why the fans love him so much. Hes a big time scorer who wants to play in tight situations." Ang kanilang 2-0 win-loss record para sa linggong ito ang nagbigay sa Gin Kings ng 9-7 win-loss slate matapos ang classification phase at naghatid sa kanila para makasagupa ang Red Bull Barako sa sudden-death para sa No. 2 spot at awtomatikong slot sa semis.
Sa katunayan, ang Kings at Barakos ay katabla ng Talk N Text Phone Pals at Air21 sa likod ng semis qualifier na Purefoods Chunkee. Ngunit ang dalawang nauna ang siyang nakakuha ng mas magandang quotients.
Paglalabanan naman ng Phone Pals at Express ang No. 4 spot at awtomatikong spot sa quarterfinals sa bisa ng knockout playoff.
Nakatakda ang Ginebra Red Bull at TNT-Air21 show-down sa Jan. 4 sa Cuneta Astrodome.