Tabuena, Superal, tatanggap ng Antonio M. Siddayao award
December 27, 2005 | 12:00am
Dalawang bata at promising golfers ang tatanggap ng Antonio M. Siddayao awards, ang makakasama sa mahabang listahan ng mga pararangalan sa PSA (Philippine Sportswriters Association) Awards Night sa January 14 sa Manila Pavilion.
Itoy sina Miguel Tabuena at Wolen Superal ang napili para pagkalooban ng prestihiyosong award dahil na rin sa kani-kanilang matagumpay na pagkampanya sa inter-national competition sa taong ito.
Ang naturang karangalan ay ipinangalan matapos na si Antonio M. Siddayao, ang kinikilalang dean ng local sports-writers na sumakabilang buhay na ilang taon na ang nakakalipas.
Napagwagian ni Tabuena ang 9-10 year division ng fourth UBC Thailand International Junior Championship noong May at makalipas ang dalawang buwan, muli itong nanalasa matapos na bumandera sa nasabi ring category sa annual Chris Riley Junior championship sa San Diego, California.
Gaya ni Tabuena, si Superal ay gumawa rin ng malaking pangalan. Noong July, nakalusot siya sa mahigpitang kompetisyon sa 11-12 years division ng Callaway Junior World tournament sa San Diego, California.
At dito, nanalo si Superal sa isang maningning na estilo, ng magposte ng 54-hole aggregate na 21-underpar 201 na naging bagong junior world record. Ito ay naging maganda kumpara sa 17-under par na itinala ng isa pang Pinoy na si Carito Villaroman ng manalo sa boys 15-17 class noong 1986.
Ang higit na magpapa-ningning sa rosters ng mga awardees ay ang Team Philippines, na mayroong 100-miyembro na sa 56-taong kasaysayan ng pinakamatandang organisayon ang nagkakaisang napili bilang Athlete of the Year matapos na manalo ng overall title sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games sa kauna-unahang pagkakataon mula ng sumali sa biennial meet noong 1977.
Ang mga gold medalist sa nakaraang 23rd edisyon ng SEA Games, ang siyang pararangalan rin kasama ang iba pang personalidad, sponsors at entities na nagbigay ng kani-kanilang tulong upang ang 2005 ay maging makulay na taon sa local sports.
Hindi pa rin ibinibigay ng sportwriters ang pangalan ng mananalong jockey of the year award.
Mayroong tatlong kandidato para sa nasabing awards--sina many-time PSA awardee Patti Dilema, Jessie B. Guce at Jonathan Hernandez ang mahigpit na naglalaban-laban para sa naturang karangalan.
Narito ang listahan ng mga awardees:
ATHLETE OF THE YEARTeam Philippines
MAJOR AWARDEES--Alex Pagulayan (billiards), Manny Pacquiao (pro boxing), Arwind Santos (amateur basketball), Eric Menk (pro basketball), Jennifer Rosales (womens golf), Juvic Pagunsan (amateur golf), Harry Tanamor (amateur boxing), Maristela Torres (athletics), Amaya Paz (archery), Miguel Molina (swimming), Sheila Mae Perez (diving), Benjamin Tolentino (rowing), John Baylon (judo), Cecil Mamiit (tennis), Suhod Hakim, (traditional boat racing), Ruperto Sabijon (TBR), Manuel Maya (TBR), Junray Dayumad (TBR), Ricky Sardena (TBR), Rene Catalan (wushu)
SPECIAL CITATIONS: All Filipino gold medalists in the 23rd SEA Games
CITATIONS: San Miguel Corporation, First Gentleman Foundation, Grandmaster Mark Paragua, golfer Jayvie Agojo, Manila Sports Council, Victor Company of Japan, boxer Brian Viloria, former POC president Celso Dayrit, PSC Chair Butch Ramirez, Asian Formula 3, Joseph Dumuk, V-League, boxer Boom Boom Bautista, practical shooter Jag Lejano, Eddie Torres, the Philippine Practical Shooting team and equestrianne Toni Leviste.
ANTONIO M. SIDDAYAO AWARDS: Wolen Superal, Miguel Tabuena

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended