Reyes, Bustamante at 3 pang Pinoy sali
December 26, 2005 | 12:00am
Limang Filipino pool stars sa pangu-nguna nina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante ang makikipaglaban sa mahigit 150 miyembro na pinili para sa pinakamalaki at kasiya-siyang pool circuit sa kasaysayan ng isport--ang International Pool Tour 2006.
Si Reyes na nanalo sa inagurasyon ng King of the Hill 8-Ball Shootout matapos na igupo ang kapwa niya Hall of Fame awardee na si Mike Sigel sa finals, ay nagbulsa ng $200,000 na nagkakahalaga ng P11 milyon, ang siyang mangunguna sa listahan ng mga Pinoy cue artists na kinabibilangan nina Bustamante na tumapos ng third place at nanalo ng $70,000 at ng batang star na si Marlon Manalo na pumang-apat naman at nagbulsa ng $60,000.
Ang iba pang Filipino pool player na sasabak sa aksiyon ay sina veteran Jose Amang Parica na siyang nanguna sa US pool circuit nitong kaagahan ng dekada 80s at US-based Joss NE Tour standout Santos Sambajon. Hindi na-man napasama sina 2004 World Pool Champion Alex The Lion Pagulayan na kakampanya sa Pilipinas.
Gayunpaman, ang IPT ay inilunsad nitong kaagahan ng taon at inihayag nila na ang manlalaro na hindi napili para sa tour ay maaari pang pumili sa tatlong open tournament sa 2006.
Ang una sa nasabing events ay ang IPT US Open 8-Ball Championship na may alok na $2 million na ang first place at tatanggap ng premyong $350,000.
At ang second open event ay ITP World 8-Ball Open Championship na sinasabing ang event na ito ang siyang makasaysayan dahil sa tuma-taginting ang ini-handang premyo na $3 mil-yon na ang mananalo ay mayroong $500,000 habang ang third open event ay isang IPT Tour qualifying tournament na ang manlalaro ay may-roong tsansa na manalo ng slot sa 2007 tour mata-pos na pumu-westo sa top 50 sa final event.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended