Pananatili ni Keon sa PSC wala pang kasiguruhan
December 26, 2005 | 12:00am
Wala pang maisasa-got si National Training Director Mike Keon hinggil sa pananatili niya sa kanyang posisyon sa Philippine Sports Com-mission (PSC).
Ang tanging makaka-pagdesisyon lamang, aniya, ay si PSC chair-man William "Butch" Ra-mirez at sina Commis-sioners Bong De Luna, Leon Montemayor, Richie Garcia at Joey Mundo.
"Well, I cant really speak because I dont wish to preempt the Philip-pine Sports Commission Board and chairman Butch Ramirez," wika ni Keon, tumatayo ring sports consultant ng Ilocos Norte.
Kinuha ni Ramirez ang serbisyo ng dating Project Director ng nabu-wag nang Gintong Alay ilang buwan bago ang nakaraang 23rd South-east Asian Games.
Si Keon ang personal na tumingin sa mga train-ing program at training system ng bawat National Sports Association (NSA) na nagresulta sa kanyang prediksyon na mako-kolekta ng Team Philip-pines ang mula 98 hang-gang 128 gintong medal-ya sa 2005 SEA Games.
Ang naturang kontra-ta ni Keon sa sports com-mission bilang National Training Director ay magtatapos sa Disyem-bre 31.
"Obviously, people will sit down and work out a game plan on what to do next," sabi ni Keon, min-san nang nakabangga ni Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) head Go Teng Kok dahil sa kanyang prediksyon na mahihira-pan ang huli na makuha ang ipinangakong 10 hanggang 15 gold medals sa 2005 SEA Games.
Ayon sa isang opisyal ng PSC, tatalakayin pa ng PSC Board kung bibigyan ng contract extension si Keon. (R.Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended