^

PSN Palaro

Mission accomplished ang ABAP

-
Labing-isang pres-tihiyosong international boxing slugfest, isang international joint training camp at pagbabalik sa tuktok ng Southeast Asian Games boxing world.

Ito ang mga accom-plishments ng Amateur Boxing Association of the Philippines para sa taong 2005.

"Mission Accom-plished," ani ABAP pre-sident Manny T. Lopez.

Sa ilalim ni Lopez, ipinamalas ng RP boxing team ang kanilang galing sa mga torneong sinali-han sa Baku, Azerbaijan; St. Petersburg, Russia; Tampere, Finland; Mian yang, China; Istanbul, Turkey; Ho Chi Minh City, Vietnam; Bangkok, Thai-land; Karachi, Pakistan; Sri Lanka at Kaoshiung, Taiwan.

Naging host din ang bansa sa unang Interna-tional Joint Training program sa Baguio City tampok ang mga Euro-pean Olympic medalists noong November bago tapusin ang produktibong taon sa pamamagitan ng pag-agaw ng overall boxing title sa Thailand sa nakaraang 23rd South-east Asian Games sa Bacolod City sa pagkopo ng walong gintong me-dalya.

Ang lahat ng ito ay nakamit ng ABAP sa likod ng maliit na tulong ng gobyerno, gayunpaman ay nakakuha sila ng tulong mula sa Ginebra San Miguel sa tulong ng First Gentleman Foundation.

"I’m not complaining. I’ve always stressed that an NSA must find ways to fund itself and not rely too much on government support," ani Lopez. "This the reason why sponsors from the private sector like Touch Mobile and Pacific Heights responded to our appeal."

Ang joint training prog-ram ay isang magandang halimbawa ng pagiging self supporting ng ABAP.

"Not a single govern-ment money was spent," ani Lopez ukol sa event na nilahukan ng mga world-class Olympic boxers mula sa Germany, France, Italy, Ireland, Australia, Brazil at Sri Lanka.

Ang light flyweight na si Harry Tañamor pa rin ang pambatong boxer ng bansa ngunit ang two-time light-weight Asian champion na si Mitchel Martinez naman ang higit na nagpasikat ng wo-men’s boxing.

Patuloy na nagbubunga ang grassroots program ng ABAP dahil sa tagumpay nina Tañamor, pinweight Jua-nito Magliquian at Martinez sa SEA Games gayundin nina bantamweight Joan Tipon at lightweight Genebert Basadre na may kakaya-hang manalo ng gintong medalya sa 2006 Doha Qatar Asian Games at sa 2008 Beijing Olympics.

"ABAP through its Touch Mobile Go for Gold Program is not letting up in its search for new talents in the grass-roots," sabi pa ni Lopez. "Tipon and Basadre are the newest additions."

Si Tipon, isang Neg-rense, ang naging best boxer sa Senior Asian Boxing Championships sa Ho Chi Minh, Vietnam noong Agosto.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASIAN GAMES

BACOLOD CITY

BAGUIO CITY

BEIJING OLYMPICS

BOXING

DOHA QATAR ASIAN GAMES

LOPEZ

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with