BABASAHING PAMPASKO
December 25, 2005 | 12:00am
Isang maligaya, mapayapa at mapagpalang Pasko sa inyong lahat!
Tuwing Pasko, hirap na hirap akong maghanap ng regalo sa mga kaibigan at kamag-anak ko. Hindi sapat ang basta-basta na lamang mamili ng hindi pinag-iisipan, di ba? Kailangan, medyo babagay sa personalidad ng tatanggap ang pasalubong. Natagpuan ko na ang libro ay mainam na panregalo, lalo na sa mahihilig sa sports na hirap maghanap ng magagandang libro dito sa Pilipinas. At kung di man nila maibigan, may makikinabang na iba kung sakaling ipamigay.
Kung mahilig kayo sa intriga, magugustuhan ninyo ang Out of Bounds: Inside the NBAs Culture of Rape, Violence, and Crime, ni Jeff Benedict (Harper Collins, 2004). Si Benedict ay isang aboga-dot investigative journalist, na unang sumikat nang ilathala niya ang mga krimeng isinagawa ng mga manlalaro sa National Foot-ball League (Pros and Cons: The Criminals Who Play in the NFL).
Sa bago niyang aklat, daan-daang mga police report ang nakalap ni Benedict upang ilantad ang mga sari-saring pagsasala ng mga NBA players sa lipunan. Kabilang sa mga naakusahan ay sina Allen Iverson, Damon Stoudamire, Kobe Bryant at Sha-quille ONeal. Nakakagulat ang detalye na nailantad ni Benedict. Nakakagulat din ang salaysay ng pagkakasaksak kay Paul Pierce, All-Star ng Boston Celtics, na muntik nang mamatay nang pagtulungan siya ng isang gang sa loob ng isang nightclub noong 2000.
Nakakakabang isipin na walang nakukulong sa mga NBA players na naakusahan ng mga krimen. Madalas, umaatras ang mga testigo, o kayay binababaan na lamang ang parusa. Madalas, lalo lumalakas ang loob ng mga player, dahil naniniwala silang hindi sila abot ng batas.
Kung mahilig naman kayo sa mga nakakaaliw na record, bagay sa inyo ang The Unofficial Guide to Basketballs Nastiest and Most Unusual Records (akda ni Kerry Banks, Greystone Books, 2005). Malalaman ninyo kung sino ang may hawak ng record para sa pinakamaraming fans na nagsuot ng peluka, pinakamalalaking multa, at iba pa.
Hindi ninyo siguro mahuhulaan kung sino ang NBA player na pinakamaraming laro ang nailaro matapos nang maretiro ang kanyang numero, at kung sino ang NBA player na naglaro para sa magkabilang team sa iisang laro. Sirit?
Isa pang nakakaintrigang libro ay ang Operation Yao Ming ni Brook Larmer (Gotham Books, 2005). Mamamangha kayo sa lalim ng pananaliksik ni Larmer, at kung paano niya isalarawan ang lulubog-lilitaw na programang pang-isports sa China, at kung paano ito natatangay ng agos ng pulitika sa Tsina.
Marami siyang katibayan na inaayos ang pag-aasawa ng mga atleta, nang sa gayon ay manilbihan din ang kanilang mga anak sa bayan. Nilista rin niya ang mga akusasyon laban sa mga sports officials doon na diumanoy gumagamit ng mga katutubong medisina nila at pati na rin ipinagbabawal na mga gamot para lamang lumakas ang mga atleta. Kasabay nito ang nagsangang landas ng dalawang pinakasikat na basketbolista ng China, si Wang Zhizhi at Yao Ming, at kung paano itinakwil ng sarili niyang bansa si Wang, habang kinikilala naman sa buong mundo si Yao.
Sa pagbabasa ng Operation Yao Ming ay makikita natin kung paano nasisira ng pulitika at paghihiganti ang dapat na diretsong pag-usbong ng laganap na programang pang-sports.
Akala ko naman, sa Pilipinas lang iyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended