AFP, kampeon sa Pichay chessfest
December 24, 2005 | 12:00am
Inangat ng dating Asian Zonal champion IM Ronald Dableo ang Armed Forces of the Philippines-A tungo sa 2.5-1.5 panalo kontra sa Southern Chess Association (Cabuyao), sa championship round upang makopo ang titulo sa katatapos lamang na P500,000 Surigao Del Sur representative Prospero Butch Pichay Chess Challenge sa Celebrity Sports Plaza sa Quezon City.
Tinalo ni Dableo, enlisted member ng Philippine Air Force si dating RP junior champ NM John Paul Gomez sa Board 1, at nanalo din ang kanyang kasamang si FIDE Master Rico Salimbagat kay NM Rolando Andador sa Board 2.
Nakopo ng AFP-A ang champion prize na P200,000 habang ang SCA (Cabuyao) ni engineer Joel Hicap ay tumanggap ng runner-up prize na P200,000.
Ang koponan ni Mayor Abraham "Bambol" Tolentino Jr. na Tagaytay City-A at Tagaytay City-B ay nagsubi ng P40,000 at P18,000 ayon sa pagkakasunod.
Si IM Jayson Gonzales, ang gold medalist sa Board 1; si NM Andrew Vasquez sa Board 2; si Paragames four-gold medalist Henry Roger Lopez sa Board 3; Dino Ballecer ng AFP A sa Board 4 at Bernie Mamaril ng Marikina sa Board 5.
Sa Blitz-side event, ang bagong IM na si Oliver Dimakiling ng Alabang Chess Team ang champion, kasunod sina Gonzales, GM Mark Paragua at NM Roberto Suelo Jr.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest