Bautista may laban sa Amerika
December 22, 2005 | 12:00am
Ilang araw na lang at Pasko na!
Pero may isang Pinoy boxer na bago dumating ang araw na Kapaskuhan ay sasabak muna sa ibabaw ng ring. Itoy walang iba kundi ang batam-batang Pinoy boxer na si Rey "Boom-Boom Bautista.
Sa kasalukuyan, nagsasanay ang 19 anyos na si Bautista sa kanyang laban kay Gerardo "Locomotora Espinoza sa isang 8-round bantamweight match sa Disyembre 23 sa Sycuan Resort and Casino sa Eljon Cajon, California.
"Mahirap nga pero sanay naman ako mag-Pasko doon sa amin na walang kinakain kaya sabi ko sa nanay ko, Nanay, tiisan na lang natin ngayong Paskong ito kasi maghanap pa ako ng pera. Malungkot nga eh pero tiis na lang. Magkatipon-tipon din tayo," ani Bautista (18-0 14 KOs) sa isang ulat ni Janelle So sa Asian Journal.
"The reason why the team chose the opponent is we want to see where Rey is. This is a tough opponent. Like I said, the guy has nine loses. But those loses have come from former world champions, top five rated guys. So if he easily walks through this, then well better know how to select our next opponent, maybe somebody from the top five of one of the divisions," wika sa ingles ni Michael Koncz, ang business manager ni Bautista.
Marami ang duda sa kakayahan ni Bautista dahil sa mga umanoy pawang hindi gaanong bigatin ang kanyang mga naging kalaban ngunit naniniwala si Freddie Roach, trainer nina Manny Pacquiao at Brian Viloria na nagsasanay kay Bautista na malayo ang mararating ng batang boksingero.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended