Nagkaisa ang 100-miyembro ng 56-taong aso-sasyon na aprobahan ang pagbibigay ng citation sa SMC dahil sa kanilang naging papel sa matagum-pay na kompanya ng 13 National Sports Associations na kanilang sinuportahan sa nakaraang 23rd Southeast Asian Games.
Labing-anim, kabilang ang dalawang professional boxers, ang tatanggap ng citations sa pagdaraos ng sportswriters ng kanilang annual awards night sa January 14 sa Manila Pavilion.
Itoy ang First Gentleman Foundation, kasama sina Grandmaster Mark Paragua, golfer Jayvie Agojo, Manila Sports Council, JVC (Victor Company ofJapan), boxer Brian Viloria, dating POC President Celso Dayrit, PSC Chair Butch Ramirez, Asian Formula 3, Joseph Dumuk, V-League, boxer Boom Boom Bautista, practical shooter Jag Lejano, Eddie Torres, Philippine Practical Shooting team at eques-trianne Toni Leviste.
At ang nangunguna sa listahan na tatangap ng pinakamataas na parangal ay ang Team Philippines na nahirang na Athlete of the Year ng pinakamatandang media group sa bansa dahil sa kanilang makasaysayang tagumpay sa SEA Games.
Karamihan sa 21-atleta ay pawang mga multiple gold medal winners sa SEA Games na tatanggap ng major awards.
Itoy sina Alex Pagulayan (billiards), Juvic Pagunsan (golf), Harry Tanamor (ama-teur boxing), Maristela Torres (athletics), Amaya Paz (archery), Miguel Molina (swimming), Sheila Mae Perez (diving), Benjamin Tolentino (rowing), John Baylon (judo), Cecil Mamiit (tennis), Suhod Hakim (traditional boat racing), Manuel Maya (TBR), Junray Dayumad (TBR), Ruperto Sabijon (TBR), Ricky Sardena (TBR), Rene Catalan (wushu), Manny Pacquiao (pro boxing), Arwind Santos (amateur basketball), Eric Menk (pro basketball), Jennifer Rosales (pro golf), at Warren Davadilla (pro cycling).
Ang San Miguel Corp., ay matagal ng sumusuporta sa local sports. Ngayong taon, sila ay nagbigay ng P100 million sa First Gentle-man Foundation upang tulu-ngang suportahan ang training expenses ng mga atleta sa 13 sports discip-lines.
Isa pa sa asosasyon na dapat ipagmalaki ng SMC ay ang Philippine Dragon Boat Federation na nag-sweep ng anim na gintong medalya sa traditional boat racing na nagpatingkad ng kanilang achievement para mapag-wagian ang most outstan-ding NSA award.
At sa award rites, si Perez, winner ng tatlong gold medals sa diving, ang kaka-tawan sa mga atleta para tanggapin ang top award mula sa mga sportswriters kasama ang First Gentleman at sina POC president Peping Cojuangco at si Ramirez at dalawa o tatlong iba pang atleta sa stage.