Ito ang dalawang mahala-gang bagay na dapat maibigay sa mga national athletes sa hangaring makakuha ng kara-ngalan sa mga international competitions.
"Basta naman yang mga atletang yan binigyan mo ng proper training, siguradong magpe-perform sila ng magan-da para sa bayan natin," wika kahapon ni Gentleman Atty. Mike Arroyo ilang minuto bago magtungo sa Hong Kong kasa-bay ang kabuuang 206 gold medalists ng nakaraang 23rd Southeast Asian Games.
Ang itinayong First Gentle-mans Foundation ni Atty. Arroyo ang sinasabing naging susi sa pagkakasaklot ng Team Philippines sa kauna-unahang overall championship ng SEA Games.
Ang FG Foundation ang siyang humugot ng P160M pondo mula sa mga negos-yante at pribadong sektor para sa international training at com-petition ng mga national ath-letes bago ang 2005 SEA Games.
Nilinaw ni Atty. Arroyo na walang bahagi ang Malaca-ñang sa ibinigay niyang three-day trip sa Hong Kong ng mga gold medal winners.
"Maski isang kusing wa-lang gobyerno dito," paliwanag ng First Gentleman. "Ito ay galing sa FG Foundation. So private funds yan, tapos yong mga pocket money ng mga atleta ang mga Godfather naman nila ang nagbigay, which is $300 each."
Bukod sa naturang Hong Kong trip, may nakahanda ring insentibo ang mga gold me-dalists mula sa Philippine Sports Commission (PSC) base sa Republic Act 9064. (Russell Cadayona)