^

PSN Palaro

Tamang programa at sapat na pondo ang susi ng tagumpay

-
Tamang programa at sapat na pondo.

Ito ang dalawang mahala-gang bagay na dapat maibigay sa mga national athletes sa hangaring makakuha ng kara-ngalan sa mga international competitions. 

"Basta naman ‘yang mga atletang ‘yan binigyan mo ng proper training, siguradong magpe-perform sila ng magan-da para sa bayan natin," wika kahapon ni Gentleman Atty. Mike Arroyo ilang minuto bago magtungo sa Hong Kong kasa-bay ang kabuuang 206 gold medalists ng nakaraang 23rd Southeast Asian Games.

 Ang itinayong First Gentle-man’s Foundation ni Atty. Arroyo ang sinasabing naging susi sa pagkakasaklot ng Team Philippines sa kauna-unahang overall championship ng SEA Games.

 Ang FG Foundation ang siyang humugot ng P160M pondo mula sa mga negos-yante at pribadong sektor para sa international training at com-petition ng mga national ath-letes bago ang 2005 SEA Games.

 Nilinaw ni Atty. Arroyo na walang bahagi ang Malaca-ñang sa ibinigay niyang three-day trip sa Hong Kong ng mga gold medal winners.

 "Maski isang kusing wa-lang gobyerno dito," paliwanag ng First Gentleman. "Ito ay galing sa FG Foundation. So private funds ‘yan, tapos ‘yong mga pocket money ng mga atleta ang mga Godfather naman nila ang nagbigay, which is $300 each."

 Bukod sa naturang Hong Kong trip, may nakahanda ring insentibo ang mga gold me-dalists mula sa Philippine Sports Commission (PSC) base sa Republic Act 9064. (Russell Cadayona)

vuukle comment

FIRST GENTLE

FIRST GENTLEMAN

GENTLEMAN ATTY

HONG KONG

MIKE ARROYO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

REPUBLIC ACT

RUSSELL CADAYONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with