^

PSN Palaro

Allowance ng Pinoy athletes sa Para Games di pa nakukuha

-
Dalawang araw bago mag-wakas ang 3rd ASEAN Para Games, wala pa ring nakuku-hang allowance ang mga Filipino athletes mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

Sinabi ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy na ginagawa na nila ang kanilang magagawa upang makahanap ng pondo para sa ipinangako nilang $300 allowance kada atleta ng Team Philippines.

"Pinaaayos ko na sa in-charge ng Para Games. Baka tonight (kagabi) or early tomorrow (Martes) may budget na sila," paliwanag ni Iroy.

Isa si Isidro Vildosola sa mga atletang umangal bunga ng allowance na hindi pa rin nila natatanggap mula sa sports commission. 

"Actually, nahanapan na ‘yan ng solusyon ni chairman Ramirez, kaya bago matapos ang Para Games makuha na nila," dagdag ni Iroy.

Ang naturang allowance ay bilang gastusin ng mga atleta sa kabuuan ng 3rd ASEAN Para Games na matatapos sa Disyembre 21 kumpara sa nakuha ng mga atletang luma-hok sa 23rd Southeast Asian Games.

Matatandaang kapos sa pondo ang Philippine ASEAN Para Games Organizing Committee (PAPGOC) para sa pagpapatakbo ng nasabing biennial event na inilunsad sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2001. (Russell Cadayona)

EXECUTIVE DIRECTOR ATTY

GUILLERMO IROY

IROY

ISIDRO VILDOSOLA

KUALA LUMPUR

PARA

PARA GAMES

PARA GAMES ORGANIZING COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RUSSELL CADAYONA

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with