^

PSN Palaro

Thailand overall champ

-
Kasabay ng mata-gumpay na pagdede-pensa ng Thailand sa kanilang overall title, napanatili naman ni Filipina Adeline Duma-pong ang kanyang koro-na sa women’s power-lifting event.

 Binuhat ng 32-anyos na si Dumapong ang bagong meet record na 117.5 kilograms sa +75 event ng powerlifting mula sa dating markang 107.5 kg. kahapon sa Emilio Aguinaldo College (EAC) Gymnasium.  

 "Siyempre, kailangan ko talagang manalo kasi para sa Pilipinas ito eh," wika ng naka-wheelchair na si Dumapong, gold medal winner sa 2nd ASEAN Para Games sa Hanoi, Vietnam noong 2003 at bronze medalist sa Paralympic Games noong 2000 sa Sydney, Australia.

 Umagaw rin ng ek-sena sina Ma. Afrecita Salazar, Michael Mora at ang men’s 4X400-meter team sa athletics com-petition sa Rizal Memorial Track Oval.

 Kinuha ng 41-anyos na bookkeeper na si Sala-zar ang ginto sa women’s 800-meter run class T53 (double leg amputee) mula sa isang bagong meet record na 3:01.05 at pinagharian naman ni Mora ang men’s shot put class F20 (with intellectual disability).

Ang tropa naman nina Ryan Mostera, Elmer Tawatao, Andrew Milo at Jesus Pacaldo sa men’s 4X400m relay class T20 (with intellectual disability) ang tumuhog ng gold medal sa 4X400m relay event.

 Sa overall standings, nakakolekta na ang nag-dedepensang Thailand ng 103 gold, 55 silver at 23 bronze medals kasu-nod ang Vietnam (63-28-18), Malaysia (51-29-15), Indonesia (25-16-15) at Myanmar (25-11-3).

 Inupuan naman ng Team Philippines ang No. 6 spot sa nahakot na 17 gold, 32 silver at 25 bronze medals sa itaas ng Singapore (13-6-6), Bru-nei (6-5-5), Cambodia (0-2-2), Laos (0-1-1) at East Timor (0-0-0).

 Sapat na ang natu-rang 17 gintong medalya ng mga Filipino para lagpasan ang nakopong tatlo noong 2001 ASEAN Para Games sa Kuala Lumpur, Malaysia at dalawa noong 2003 sa Vietnam. (Russell Cadayona)

AFRECITA SALAZAR

ANDREW MILO

DUMAPONG

EAST TIMOR

ELMER TAWATAO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FILIPINA ADELINE DUMA

JESUS PACALDO

PARA GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with