Hindi nangangahulu-gang dahil nandito na si Freeman ay papalitan si Kwan Johnson na nakatu-long sa Beermen na mag-poste ng limang sunud-su-nod na panalo upang maka-akyat sa ikawalong pwesto sa kartang 6-8. Noong Bi-yernes ay nakaahon na buhat sa pangungulelat ang San Miguel Beer nang talunin nito ang sister team na Barangay Ginebra.
Abay mula nang mag-umpisa ang torneo ay nasa dulo ng standings ang Beer-men at marami ang nagtaka kung bakit nagkakaganito sila. Kasi nga, ang San Mi-guel ang defending cham-pion ng tournament at hindi naman humina ang kanilang line-up.
Bagkus ay medyo napa-lakas pa nga ito ng kaunti matapos na makuha buhat sa disbanded Shell Velocity si Christian Calaguio at sa rookie draft si Paolo Hubalde. Idinagdag pa nga nila si Eugene Tejada na hindi pina-pirma ng kontrata ng Alaska Aces.
So, kahit paanoy nag-im-prove ang San Miguel.
Pero hindi nga nakapag-laro sa umpisa ng torneo ang mga injured players na sina Dondon Hontiveros at Dorian Peña. Bukod ditoy hindi rin naging dominante ang una nilang import na si Rico Hill.
So, sumadsad nga ang San Miguel at nakalasap ng apat na pagkatalo bago na-kapasok sa win column nang pataubin sa double overtime ang Air21 Express sa kani-lang out-of-town game sa Capiz.
Subalit matapos ang pa-nalong iyon ay apat na pag-katalo ulit ang nalasap ng Beermen upang bumagsak sa 1-8 record.
Sa yugtong iyon, marami ang nabahala at nagsabing baka mangulelat na ngang tuluyan ang tropa ni Joseph Uichico.
Magkaganito man, mara-mi din ang nagsabing okay lang kahit na No. 9 team ang San Miguel sa pagtatapos ng classification round. kahit nga 0-16 ang maging record ng San Miguel, dalawang panalo pa rin ang kakaila-nganin nila para makarating sa "wild card phase."
So, nagdedelikado pa rin ang No. 8 team na siyang makakaharap ng San Miguel sakaling manatili ang Beer-men sa No. 9.
Pero tila hindi na nga mangyayari iyon dahil sa umahon na buhat sa dulo ng standings ang Beermen at noong Sabado ngay nasa three-way tie para sa ika-anim na pwesto. Kung ma-papanatili ng San Miguel ang winning streak nito, No. 5 o No. 6 pa ang abutin nila sa pagtatapos ng classification round.
At iyan ang misyon nina Uichico. Nais niyang igiya ang kanyang mga bata sa dalawa pang panalo kotra sa Alaska at Talk N Text na si-yang natitira nilang kalaban.
At base sa mga kagana-pan sa dulo ng classification round, tila mala-llamado pa ang San Miguel laban sa dalawang teams na ito. Ang Phone Pals ay may apat na players na injured samanta-lang ang Aces ay nanganga-pa pa sa kanilang bagong import na si Odell Bradley.
Kung mayroon talagang koponan na kayang-kaya na makagawa ng matinding comeback, itoy walang iba kundi ang San Miguel.
Angkop na angkop ang kanilang ginagawa sa kani-lang slogan na "Itaas Mo!"
Tumataas nga sila!