^

PSN Palaro

5-golds para sa RP

-
Limang ginto ang isinubi ng Team Philip-pines mula sa table tennis at chess upang umangat sa fifth overall ng kasalu-kuyang 3rd ASEAN Para Games sa Rizal Memorial Sports Complex.

Sumandal ang Pinas kay Josephine Medina na naging susi sa dalawang ginto ng table tennis nang talunin nito si Tran Ngu-yen Quynh ng Vietnam upang mamayani sa open women’s division at nakipagtambalan ito kay Minnie Ramos upang igupo ang Vietnam pair nina Viet Thi Kim at Quynh sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagtulong naman sina Henry Lopez, Sander Severino at Alexis Elinon para sa kabuuang 13-puntos ng RP team para sa men’s team gold ng chess na ginaganap sa Century Park Hotel.

Nanalo din ng ginto si Lopez sa men’s individual sa kanyang 5-points, matapos talunin sina Eddy Suryanto at Maksum Fir-daus ng Indonesia, na may tig-4 points.

Nakopo naman ni Je-rico Openia ang ikalawang ginto nang kanyang pag-harian ang men’s discuss throw class F55 (more paraplegics) sa naitalang 20.33-meter, matapos pag-harian ang men’s shotput.

Sa kabuuan, may nai-subi ng 13-golds, 23-silvers at 17-bronzes na ang Phi-lippines habang sinusulat ang balitang ito ang de-fending overall champion na Thailand ay may 81-44-17 gold-silver-bronze na si-nusundan ng Malaysia (48-22-10), Vietnam (41-18-14) at Myanmar (13-23-17).(Russell Cadayona)

ALEXIS ELINON

CENTURY PARK HOTEL

EDDY SURYANTO

HENRY LOPEZ

JOSEPHINE MEDINA

MAKSUM FIR

MINNIE RAMOS

NINOY AQUINO STADIUM

PARA GAMES

QUYNH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with