Sta. Lucia umahon

Gumawa na naman ng kabayanihan si ‘Cap-tain Marbel.’

Humataw si Kenneth Duremdes sa ikaapat na quarter nang kanain nito ang 15 sa kanyang tina-pos na 28-puntos upang ihatid ang Sta. Lucia Real-ty sa 100-76 panalo kon-tra sa Coca-Cola sa pag-papatuloy ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup sa Ynares Center sa Antipolo kagabi.

Matapos mabaon sa 40-45 sa halftime, at nakipaglaban ng ngipin sa ngipin sa ikatlong canto, nagpamalas ng inten-sibong laro si Duremdes upang banderahan ang eksplosibong fourth quar-ter kung saan humakot ng 37-puntos ang Sta. Lucia kontra sa 15 lamang ng Tigers kabilang ang 21-6 run mula sa 63-61 kala-mangan sa pagtatapos ng ikatlong canto.

Napaganda ng Sta. Lucia ang kulelat na kartada sa 7-9 win-loss slate sa pagtatapos ng kanilang elimination cam-paign ngunit wala sa kani-lang kamay ang kanilang kapalarang makaiwas sa No. 8 at 9 spots na da-daan sa ‘suvivor’ round kung saan ang No. 8 ay may twice-to-beat.

Kailangang mahigitan ng Realtors ang record ng defending champion San Miguel at Alaska na tabla sa 6-8 record.

Kasalukuyang nasa kulelat na posisyon ang Tigers matapos malasap ang ikasiyam na talo sa 15-laro at kailangan nilang manalo sa huling asigna-tura laban sa Red Bull sa Biyernes para makaiwas sa ‘survivor round.’

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang league leader na Purefoods (10-5) at Air21 (8-7) kung saan hangad ng Chukee Giants na masikwat ang isa sa dalawang awtoma-tikong semifinal slot na ipagkakaloob sa top two team pagkatapos ng eli-mination.(CVOchoa)

Show comments