^

PSN Palaro

Paggising ng higante

GAME NA! - Bill Velasco -
Hindi na talaga mapigilan ang pag-asenso ng China sa sports.

Sila ang host ng 2008 Olympics. At sa katunayan, ayon sa ilang sports scientists, pagdating ng London Olympics sa 2012, China na ang kikilalanin overall champion sa sports sa buong mundo. Ito ay dahil sa iisang pananaw na ang atleta ay kagamitan lamang sa paghatid ng karangalan sa kanyang bansa.

Ang di magunita ng karamihan ay kung paano nangyari ito.

Bago pumasok ang 1900’s, ang Tsina ang isa sa pinakamalaking mission ng Young Men’s Christian Association sa buong mundo. Dito, ikinalat ng mga missionary teachers ang kanilang pananampalataya, ang wikang English, at ang 13 patakaran ng bagong larong "Basket Ball", na nilikha ng isang YMCA professor na si James Naismith.

Daan sa kanila ang nagtungo sa China para palaganapin ang kanilang mga paniniwalang ito.

Ang unang naging impluwensya ng basketbol ay ang pagba-bago ng mga kausotan.

Dahil sa mga kilos na kinakailangan (bagamat mabagal pa ang laro noon), nahirapan ang mga Intsik sa mga suot nilang mahaha-bang damit at mas mahahabang kuko’t tirintas. Nang dumating sa kapangyarihan si Sun Yat-Sen noong 1911, lalong nagpasukan ang mga maka-Kanlurang ideya, at nadala rito ang pagsasanay sa sports. Inorganisa ng YMCA ang unang national games ng China, at noong 1935, opisyal na ginawang "national pastime" ang basketbol.

Nakasali ang China sa Berlin Olympics, maging sa unang basket-ball competition dito. Subalit, sa haba ng biyahe (wala pang eroplano noon), at sobrang pagod, walang naiuwing medalya ang mga baguhan. Sunud-sunod ang pagkabigo ng higanteng bansa sa sports.

Nang umakyat sa pamumuno si Mao Tsetung noong 1949, nakita niya ang sports bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng komunismo. Katuwiran niya, kung magagamit ito ng mga Amerikano sa pagkakalat ng kanilang relihiyon, magagamit din ito sa pagkakalat ng kanilang sariling paniniwala. Liban dito, ang mga nasa kundisyong manggagawa ay mas makakapagbigay ng makabuluhang kotribusyon sa kanilang bansa. Sa madaling sabi, propaganda.

Pumasok ang mga Soviet engineers (na kapwa nila komunista) at itinatag ang daan-daang mga gusaling nagsilbing mga "sports schools" sa malalaking siyudad sa Tsina.

Napakabagsik ng pagsasanay na sinimulan ng pamahalaan, at libu-libong mga atleta ang kinuha para sa mga sport na tulad ng gymnastics, diving, table tennis at basketball.

Subalit mas napaburan ang mga sport na parang pagtatanghal, kaya hindi pa gaanong nabigyan ng ganoong halaga ang basketbol.

"Ancient Chinese sports were always performances, always art," paliwanag ni China Central Television announcer Bai Jinshen sa Sports Illustrated.

"Sports were for health and exercise, not competition. So it’s been a tradition for us to be better at performance sports, like diving and gymnastics and shooting, than competitive sports.

Or, if the sport must be competitive, let it be table tennis and volleyball, where there’s a net.

Dividing the competitors is better, so there’s not body contact."

Pagsapit ng 1950’s naisip ng pamahalaan na maging seryoso sa basketbol, upang tingalain din sila ng malalaking bansa sa Europe at Amerika.

Lumikha sila ng programa kung saan lahat ng babaeng lagpas 5’11" at lalaking lampas 6’7" ay kukunin para sa pambansang koponan, anuman ang edad o hanapbuhay nila. Sa mga sumunod na henerasyon, ito ay nagbunga ng mga kauna-unahang Tsino sa NBA na sina Wang Zhizhi at Yao Ming.

vuukle comment

ANCIENT CHINESE

BAI JINSHEN

BASKET BALL

BERLIN OLYMPICS

CHINA CENTRAL TELEVISION

CHRISTIAN ASSOCIATION

JAMES NAISMITH

SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with