Matapos mabokya sa unang araw ng kompetisyon, tatlong chessers ang nanalo ng ginto at ang record breaking performance ni Arnel Aba sa men 200 LC meter back-stroke
Ang Pinas ay mayroon nang 4-6-6 gold-silver-bronze ngunit namayagpag ng husto ang defending overall champion na Thailand na mayroon nang 24-golds, 15-silvers at 7-bronzes kasunod ang Malaysia na may 19-7-4 gold-silver-bronze at Vietnam, 14-4-2 habang sinusulat ang balitang ito.
Inihatid ni Arnel Aba ang unang ginto ng Pinas matapos magtala ng bagong record na 3:06.41 minuto sa class: S9 orthopedically handicap.
Naghatid din ng gold si FIDE Master Sander Severino nang talunin nito si Vietnamese Le Hua Binh ang 53 moves ng Reti Opening para sa perpektong 5.0 points sa physically handicapped individual event.
Nanalo rin ng gold si FM Severino, NM Lopez at Alexis Elinor na lumikom ng 12.0 points sa physically handicapped team event at si Francis Ching, Elmar Olivar at Rudy Sarmiento na naghari sa blind team.