Cojuangco, naglabas ng sama ng loob
December 17, 2005 | 12:00am
Naglabas ng sama ng loob si Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Peping Cojuangco, ang chief executive operating officer ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee sa mga balitang natitirang utang ng PHILSOC.
"Why are they taking out the victory from the people? I really dont understand this," ang reaksiyon ni Cojuangco ukol sa mga balitang maraming pang di nababayarang utang ang PHILSOC na nagsara na ng opisina sa PICC. "Buti sana kung siguradong hindi na sila babayaran."
May P15 milyon pang pondo na hindi naibibigay ang PHILSOC sa Bacolod City na pinangakuan nila ng P24.7 milyon at P7 milyon pa ang kulang sa financial support sa Cebu City na pinangakuan naman ng P10 milyon para pambayad sa mga hotel, caterers at transportation.
Ayon kay Cojuangco, ang mga naturang satellite venues ay responsibilidad na ni Bacolod House Representative Monico Puentevella, Board member ng PHILSOC na siyang nangasiwa sa dalawang satellite venues.
"Nakausap ko na si Puentevella. Siya kasi ang naka-assign sa cluster ng Bacolod at Cebu. He said that he is going to handle the situation. Ang sabi niya, ako na ang bahala at hindi na kami dapat mag-alala," paliwanag ni Cojuangco na panauhin sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kasama sina PHILSOC Secgen Steve Hontiveros at POC Chairman Robert Aventejado.
"Lets give Puentevella the chance to handle the situation," ani Cojuangco na nagtanggol din sa PHILSOC. "This organization is set-up to handle an event and with a little funding, we were able to push through."(CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended