^

PSN Palaro

Salamat Dario

GAME NA! - Bill Velasco -
Noong Lunes, tumulak na pabalik ng Paraguay ang bantamweight boxing champion nitong si Dario Azuaga. Bagamat natalo siya sa isang unanimous decision kay dating World Boxing Council super flyweight champion Gerry Peñalosa, hindi masama ang loob ng dayuhan. Sa katunayan, pakiramdam niya’y parang hari siya.

"Sa ibang bansa, pag lumalaban ako, nilalagay lang ako sa hotel, pagkatapos ay pinapabayaan na lamang hanggang lalaban na ako," pahayag ng 31-year old kampeon sa pama-magitan ng interpreter. "Pero dito, inalagaan ako na parang miyembro ng pamilya. Magaganda ang alaala ko ng Pilipinas."

Naaalala ni Azuaga ang mga pagpasyal sa kanya, ang bait ng mga media sa kanya, ang pamimili niya ng pasalubong, ang kantahan sa videoke sa kanyang huling gabi rito, at ang magalang na pagpalakpak sa kanya ng mga manonood dahil sa tapang na ipinakita niya sa laban nila ni Gerry.

Mahigit tatlumpung oras ang biyahe mula Paraguay papunta rito, dahil ang pinagmulan niya ay nasa kabilang dulo ng mundo. Kasama ng kanyang trainer at sportswriter na si Santi Alvarez, ito ang unang biyahe ni Azuaga sa labas ng Latin America. Lahat ng kanyang laban ay ginanap sa Paraguay, Argentina at Mexico.

Dumating si Azuaga sa Pilipinas na may kartang 66 panalo, anim na talo at dalawang draw. Subalit ang nakapandidilat ay ang 57 knockout, 25 sa unang round. Dito bahagyang nag-alala ang kampo ni Peñalosa, na lalaban bilang bantamweight sa unang pagkakataon. Subalit pinag-aralan nila ng todo ang dayuhan.

Sa simula pa lamang ng kanilang bakbakan, itinukod na ni Peñalosa ang kanyang jab sa mukha ni Azuaga, at pinukpok ng mga matitinding suntok ang tagiliran nito. Sa ika-pito’t ika-walong round, pinatumba niya ang kalaban, subalit mabilis ang pagtindig nito.

"Matibay talaga, ang bilis maka-rekober," sabi ni Peñalosa, na nagwagi sa bawat round ng 10-rounder.

"Hindi talaga ako sumusuko," dagdag ni Azuaga. "Kaila-ngan paputukan mo ako sa ulo ng kalibre 45 para hindi na ako lumaban."

Ngayon, nagbabalak si Peñalosa nakakuha ng laban para sa world bantamweight title, kung di natatakot sa kanya ang mga kasalukuyang kampeon. Para naman kay Azuaga, magsi-sikap siyang lakihan pa ang kanyang kaharian nang higit pa sa Latin Amerika. At gugunitain niya ang init ng pagtanggap sa kanya sa pinakamalayong bansang nadatnan niya.

AKO

AZUAGA

DARIO AZUAGA

GERRY PE

LATIN AMERICA

LATIN AMERIKA

NIYA

NOONG LUNES

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with