Huwag namang maging harsh kay Yeo

Bago ang lahat, nais lang naming batiin ang Rotary Club ng  Caloocan Central dahil bukod sa mahilig sila sa pag-organize ng mga sports events, kamakailan lang ay gumawa pa sila ng medical mission at gift-giving sa Dagat-Dagatan na labis na nagpasaya sa napakaraming kapuspalad na kababayan natin dyan sa Caloocan.

Nagmistulang malaking ospital ang venue nila para sa medical mission dahil talagang napakaraming nagpunta to avail of the free services.

Sa gift-giving naman, napakaraming mga kabataan ang nabiyayaan ng early Christmas gifts mula sa Rotary Club.

At ni ayaw magpabanggit ng mga pangalan nila yung mga namahagi ng mga regalo at nag-asikaso ng medical mission.

Tunay na public service.

Mabuhay ang mga taga-Rotary Club ng Caloocan Central!
* * *
Huwag naman sanang ma-hing harsh ang mga desisyon natin kay Joseph Yeo ng La Salle patungkol sa napipintong pag-akyat niya sa PBA.

May mga pangarap din yung tao para sa basketball career niya.

Ang anumang nangyari sa La Salle-Ateneo friendship game recently kung saan nagkaroon sila ng kaguluhan ni Enrico Villanueva ay parte ng basketball. Hindi maiiwasan ang mga ganyang salpukan.
* * *
Birthday ng beteranong coach na si Nat Canson nung Lunes, December 12.

Isa sa mga wishes ni Nat ay maging matagumpay ang kanyang coaching clinic/seminar para sa mga budding basketball coaches na gaganapin sa January 15 sa may Bayview Hotel sa Roxas Blvd.

Natutuwa siya dahil ngayon pa lang, napakarami na nang nagpalista para sa naturang clinic.

Magiging special speakers niya sina Coach Yeng Guiao, Coach Junel Baculi at Coach Louie Alas. Puro mga bigating champion coaches yan na magsi-share rin ng kanilang insights tungkol sa pagku-coach sa basketball.

Ako man, naniniwala rin akong maraming Pinoy ang gustong lalong gumaling sa pagku-coach ng basketball.

Ang seminar na ito ay lubos na makakatulong sa mga pangarap ng mga budding basketball coaches.

Yung mga interesado pa, tawag lang kayo sa 2501455 at cell no. 0918-4751476 at magpa-register na kay Tess Canson.

P1,200 lang, may buffet lunch na, may 2 merienda pa, bottomless tea at coffee at may certificate of attendance ka pa. Bongga!

Happy Birthday, Coach Nat!
* * *
Personal: Nais lang nating batiin ang basketball team ng Emilio Aguinaldo College sa pangunguna ni Coach Nomar Isla na magdiriwang ng kanilang Christmas party today......Binabati ko rin lahat ng mga taga-SMC Insurance diyan sa Escolta, Manila. Hello na rin kay Tita Virgie Santos ng Marikina na isang avid PBA follower pati na sa kanyang anak na si Carmela na avid reader  daw ng PSN.

Show comments