^

PSN Palaro

Umpisa na ang aksiyon sa ASEAN Para Games

-
Higit na magiging makulay ang bagong renovate na Rizal Memorial Track and Football Stadium na siyang venue ng opening rites ng Third ASEAN Para Games ngayon.

Tugtugan, sayawan at katuwaan na kinapapalooban ng Atiatihan drumbeats, ang masasaksihan sa cultural performance ng mahigit 1,000 dancers, at makabagbag damdaming song number sa pinakasikat na Filipino artist ngayon sa inaugurals ng multi-event competition para sa mahuhusay na difêerently-abled athletes mula sa Southeast Asia.

Pangungunahan nina Philippine ASEAN Para Games Organizing Committee (PAPGOC) chairman Michael Barredo at Manila Mayor Lito Atienza ang mga top sports officials ng bansa ang mga panauihin sa opening ceremonies.

Ayon kay Manila Sports Council (MASCO) chief Arnold ‘Ali" Atienza, chairman ng Opening Ceremonies Committee, mahigit 1,000 athletes at officials mula sa 11 participating countries at tinatayang 15,000 spectators na binubuo ng 897 barangays at 130 public at private schools mula sa Manila ang inaasahang tutungo sa Stadium upang saksihan ang seremonya.

Kakantahin ni Lea Salonga, star ng Broadway na nangako na bahagi ang kanyang world-class talent sa event, ang theme song ng Para Games na inaasahang magiging kapa-napanabik na sports gathering sa taong ito.

Inimbihatan din sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez at Philippine Olympic Committee (POC) President Jose Cojuangco, kasama sina PSC commissioners Ricardo Garcia, Ambrosio de Luna, Leon Montemayor, at Jose Mundo.

Bukod sa paggamit ng iba’t ibang pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex, nagbigay din ang PSC ng assistance sa PAPGOC para sa event na co-presented ng PCSO, PSC at DPWH, at suportado ng PLDT-Smart, Systems Technology, Inc., Pag-ibig, SM Shoemart, PhilPost, PhilSpada, NBN-4, Manila Bulletin, at ng City Government of Manila.

Sumuporta rin ang Youth and Barangay Bureaus ng Manila gayundin ang Public Service, Health and Engineering Departments, kabilang ang Division of City Schools, Kabataan ng Maynila at Kababaihan ng Maynila sa event na ito na suportado ng American President Line, Pfizer Inc., Red Ribbon, Crossover 105.1, Sports Radio, IBM Computers, Mettaphione, GSIS, at iba’t ibang national government agencies.

Ang ASEAN Para Games ay nabuo hindi lamang para magkaroon ng kasiyahan ang disabled sector at maging produktibong mamamayan.

AMERICAN PRESIDENT LINE

CHAIRMAN WILLIAM RAMIREZ

CITY GOVERNMENT OF MANILA

DIVISION OF CITY SCHOOLS

HEALTH AND ENGINEERING DEPARTMENTS

JOSE MUNDO

LEA SALONGA

LEON MONTEMAYOR

MANILA BULLETIN

PARA GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with