^

PSN Palaro

Espinas balik sa dating porma

-
Binalikan ni Hapee Toothpaste-Philippine Christian University forward Gabby Espinas ang kanyang pormang pang-MVP matapos ang nakakadismayang simula sa 2006 PBL Heroes Cup at tiniyak nitong mapapansin ng lahat.

Mula sa mahabang pahinga, nagpakawala si Espinas ng double-double performance nang ihatid nito ang Hapee sa 91-79 panalo laban sa Far Eastern Insurance para makasama sa four-way logjam kasama ang Granny Goose, Montaña at Rain or Shine sa 4-3 (win-loss) slates.

Matapos mag-average ng 6.5 points at 7.3 rebounds sa unang six games, naging agresibo ang 24-gulang na Zambales native sa pagkamada nito ng 22 points sa 10-of-12 bukod pa sa 13 rebounds, na parehong season best nito para tanghaling PBL Player of the Week.

"He’s our captain and designated leader. Where he goes, we’ll follow," ani Hapee coach Junel Baculi sa kanyang athletic ngunit masyadong emosyonal na player.

Sumikat si Espinas’ nang mapili itong 2004 NCAA Rookie of the Year Most Valuable Player nang makopo ng Dolphins ang unang title.

Matapos mag-runner-up sa Letran sa taong ito, si Espinas ay may average na 13.1 points (sixth sa league), league-best 11.4 boards at 2.1 blocks per game.

ESPINAS

FAR EASTERN INSURANCE

GABBY ESPINAS

GRANNY GOOSE

HAPEE

HAPEE TOOTHPASTE-PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

HEROES CUP

JUNEL BACULI

MATAPOS

PLAYER OF THE WEEK

ROOKIE OF THE YEAR MOST VALUABLE PLAYER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with