GTK bumitiw na sa chess
December 13, 2005 | 12:00am
Matapos ihayag na kaya niyang mamuno sa dalawang magkaibang sports association, nag-iba na ang paniniwala kahapon ni sportsman Go Teng Kok.
"I believe that a person should only be a president for just one sports association," wika ni Go, tumatayong presidente ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) at ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP). "You should not be too ambitious in having two or more association."
Makaraang iluklok bilang bagong pangulo ng NCFP noong Hulyo, sinabi ni Go na kaya niyang pamunuan ang chess at athletics association.
At matapos mabigong makasulong ng isa mang gintong medalya sa 23rd Southeast Asian Games, nagdesisyon na si Go na iwanan ang chess federation sa pamamagitan ng pagtawag ng isang board meeting.
Ngunit, ayon kay Go, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naaayos ni NCFP secretary-general Atty. Samuel Estimo.
"Ang hirap magkaroon ng quorum. Parang may dalawang camp sa mga directors eh," sabi ni Go sa NCFP.
Inamin rin ni Go na wala siyang training program para sa NCFP na siyang naging problema sa kampanya ng mga chess players, kinabibilangan nina Grandmasters Eugene Torre at Rogelio "Joey" Antonio, Jr.
"Akala ko kaya nilang manalo kasi magagaling sila. But I have already problems with the players, with the parents and with the officials. I think I should not stay any longer in this association," wika ni Go. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended