Manalo, nagbulsa ng $100,000
December 13, 2005 | 12:00am
Patuloy ang pananalasa at paghakot ng premyo ng mga Pinoy pool stars sa Amerika.
Isang linggo pa lamang ang nakakalipas sapul nang mapagwagian ni Efren Bata Reyes ang International Pool Tour King of the Hill" 8-Ball Invitational Shootout, ang sumisikat namang si Marlon Manalo ang rumagasa.
Napanatili ni Manalo, 2005 Reno Open champion, ang winning streak ng mga Pinoy cue artists nang dominahin nito ang 8 top players sa pagwawagi sa paunang edisyon ng Texas Hold Em Billiards championship at ibulsa ang winner-take-all $100,000 (na umaabot sa P5.4M).
Ang top eight sa Texas Hold Em tournament na tinalo ni Manalo ay kinabibilangan nina Johnny Archer, na napiling Player of the Decade", 2005 Planet Open champion Charlie Williams, 2004 Sudden Death 7-Ball champion Corey Deuel, 2004 US Open champion Gabe Owen, 2004 Sands Open champion Rodney Morris, 2004 Canadian Open champion Luc Salvas, 2004 Pro Tour champion Robb Saez.
Kinokonsiderang pinakamahigpit na karibal sa torneo, nanaig si Manalo sa pressure-cooker format sa Hall of Fame basketball court sa Springfield, Massachusetts. Ang format ng laro ay parang poker na nasa pool table kung saan kailangang maglagay ng taya ang mga players matapos bigyan ng $25,000 halaga ng chips bilang panimula.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended