Umiskor si Williams ng putback sa harap ng tatlong Granny Goose defenders mula sa pag-mimintis ni Kim Valen-zuela, 1.7 segundo na lamang ang nalalabing oras sa labanan.
Nakabawi ang Mag-nolia sa 55-60 pagkatalo sa Far Eastern Insurance na dumungis ng kanilang malinis na katayuan, upang palawigin ang kanilang kapit sa pang-kalahatang pamumuno taglay ang 6-1 win -loss record.
Tumapos si Williams ng walong puntos lamang sa likod ng 11 at 10 puntos nina Jeffrey Chan at Valenzuela ayon sa pagkakasunod upang ipalasap sa Snack-masters ang ikatlong talo sa pitong laro.
Binalikan ni Gabby Espinas ang kanyang pormang MVP nang pag-bidahan nito ang Hapee-Philippine Christian Uni-versity sa 91-79 pagdi-molisa sa Far Eastern Insurance sa unang laro.
Umiskor si Espinas ng game-high 22 points at humatak ng 13 rebounds upang ihatid ang Teethmasters sa ikatlong sunod na panalo at ikaapat sa kabuuang pitong laro.
"Nagparamdam lang kami, hindi kasi kami pinapansin," wika ni coach Junel Baculi ng Hapee PCU na nagpalasap sa Insurers ng kanilang ikalimang talo sa 7-laro. "I hope with this win, baka pansinin na kami ng ibang teams dyan."
Bukod sa nasolo ang ikatlong puwesto sa eight-team, lumakas pa ang tsansa ng Theethmasters na makakuha ng outright semis berths na ipagka-kaloob sa top two teams pagkatapos ng elimina-tions. (CVOchoa)