^

PSN Palaro

3rd ASEAN Para Games delegates darating na

-
Inaasahang magdaratingan na ang mga pinakamahuhusay na differently-abled athletes mula sa Southeast Asia dito sa Maynila sa susunosd na linggo para sa 3rd ASEAN Para Games na magbubukas sa Disyembre 14-21 sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex.

Ayon kay Michael Barredo, chairman ng Philippine ASEAN Para Games Organizing Committee (PAPGOC), ang final entries kung ilan ang bilang ng mga 11 bansa ay tinanggap na ng organizers at inaasahang mahigit 1,000 foreign athletes at officials hindi pa kasama ang turista at media.

Magpapadala ang powerhouse Thailand, ang reigning champion, ng 252 delegates para idepensa ang kanilang titulo sa Games na ipiniprisinta ng PCSO, PSC, at DPWH at suportado ng PLDT-Smart, Systems Technology, Inc., Pag-ibig, SM Shoemart, Philp0ost, Philspada, NBN-4, Manila Bulletin at pamahalaang Lungsod ng Maynila sa ilalim ni Mayor Lito Atienza.

Ang Malaysia ay may 176 athletes at officials, habang ang Vietnam ay magpapadala ng 108 delegates sa biennial sports event, na sa kauna-unahang pagkakataon ay iho-host ng Pilipinas na may 198 athletes at officials.

Magpapadala naman ang Indonesia, 70 delegates, Singapore, 46, Brunei, 40, Myanmar 30, Timor Leste 23, Cambodia 13, at Laos 6 delegates, na suportado din ng American President Line, Pfizer Inc., Red Ribbon, Crossover 105.1, Sports Radio, IBM Computers, Mettaphione, GSIS, at iba’t ibang government agencies.

AMERICAN PRESIDENT LINE

ANG MALAYSIA

MAGPAPADALA

MANILA BULLETIN

MAYNILA

MAYOR LITO ATIENZA

MICHAEL BARREDO

PARA GAMES

PARA GAMES ORGANIZING COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with