^

PSN Palaro

Morales kumuha ng bagong trainer

-
Para higit na mapaghandaan ang nakatakdang rematch kay Pinoy ring idol Manny Pacquiao sa Enero 21 sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, kumuha ng bagong trainer ang Mexican superstar na si Erik "El Terrible" Morales.

Nagsasanay sa Queretaro sa Mexico, si Morales ay hinahasa na ni Jose Luis ‘Maestro’ Lopez Sr., ang trainer na pumalit sa kanyang ama na si Jose Morales bilang chief tactician para sa kanyang pinakahihintay na rematch kay Pacquiao.

Si Lopez, na tubong Durango, Mexico na isang dating boxer din na pinamamahalaan ang career ng kanyang anak, ay isang pinagpipitagang trainer dahil sa kanyang mga nagawa na naglagay sa kanya sa world championship.

Si Pacquiao naman, na nasa Amerika na sa kasalukuyan, sa kabilang dako ay nasa ilalim pa rin ng pagsasanay ng bantog na trainer na si Freddie Roach.

Sinabi ni Morales na kailangan niyang magbago ng trainer upang maiba naman ang kanyang gagawing paghahanda laban kay Pacquiao.

Inihayag di ng Mexican three-time world champion na nasa kanilang kampo na rin ang kanyang mga ka-ispar na sina Manuel "Pirri" Leyva at Mauro "Betillo" Gutiérrez III bilang karagdagang sparring partners kina Osvaldo Alvarado, Jorge Quezada, Francisco Nava at Refugio Tiscareño.

EL TERRIBLE

FRANCISCO NAVA

FREDDIE ROACH

JORGE QUEZADA

JOSE LUIS

JOSE MORALES

LAS VEGAS

LOPEZ SR.

OSVALDO ALVARADO

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with