Magnolia kakapit sa unahan
December 8, 2005 | 12:00am
Tatangkain ng nananalasang Magnolia Dairy Ice Cream na patatagin ang kanilang pagkakahawak sa liderato sa pakikipagtagpo nila sa Far Eastern Insurance sa pagbabalik-aksiyon ng 2006 PBL Heroes Cup matapos ang 11 araw na break na nagbigay-daan sa matagumpay na pagtatanghal ng 23rd Southeast Asian Games.
Napagwagian ng Wizards ang kanilang unang limang laro pero malalaman kung masusustina nila ang kanilang init matapos ang mahabang pahinga sa kanilang pagtatagpo ng Insurers ngayong alas-4 ng hapon sa JCSGO gym sa Cubao.
Maghihiwalay naman ng landas ang Granny Goose Tortillos at Rain Or Shine, na kapwa may magkatulad na 3-2 win-loss record sa inisyal na laro sa ganap na alas-2 ng hapon kung saan kapwa determinadong palakasin ang kanilang kampanya sa semis.
Lumakas ang kanilang kumpiyansa matapos ang 71-66 panalo laban sa Snackmasters noong Nobyembre 20 sa San Sebastian gym sa Cavite, inaasahang bibigyan ng mabigat na hamon ng Insurers ang Wizards.
Sasandal si coach Bong dela Cruz sa kanyang mga bataan na sina Michael Bravo, Niño Marquez at Jay Sierra na nagpakita ng magandang performance sa nakaraang laro.
Ngunit hindi magiging madali ito para sa Insurers kung saan tatapatan ng Wizards ang lakas nito sa katauhan ni Arwind Santos na suportado ng Fil-Am na si Kelly Williams. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended