^

PSN Palaro

Lim, tuluyan nang ipinapatapon

-
Pinal ng ipapatapon palabas ng bansa si Basketball Association of the Philippines (BAP) secretary general Graham Chua Lim makaraang pekein umano nito ang kanyang Philippine citizenship.

Ayon kay BI Commissioner Alipio Fernandez Jr., maging ang Malacañang-Legal Department ay nagpalabas na ng kautusan noon pang November 9 kung saan ibinabasura nito ang motion na isinumiute ni Lim hinggil sa resolution na ipinalabas ng BI.

Ipinaliwanag ng BI na walang bagong argumento na isinumite si Lim upang pagbigyan ang motion nito.

Una ng kinatigan ng Malacañang ang resulta ng imbestigasyon ng BI kung saan si Lim umano ay gumamit ng mga pekeng dokumento upang makakuha ng kanyang Philippine citizenship.

Ibinasura din ng Malacañang ang katuwiran ni Lim na nakuha niya ang kanyang citizenship batay sa Treaty of Paris at iba pang batas noong panahon na kolonya pa ng Amerika ang Pilipinas.

Gayundin, hindi nakapagsumite ng ebidensiya si Lim na magpapatunay na ang kanyang mga ninuno ay talagang residente ng Pilipinas noong naipasa ang nabanggit na batas. (Grace dela Cruz)

AMERIKA

AYON

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

COMMISSIONER ALIPIO FERNANDEZ JR.

CRUZ

GRAHAM CHUA LIM

LEGAL DEPARTMENT

MALACA

PILIPINAS

TREATY OF PARIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with