Humigit-kumulang sa 1,000 differently-abled athletes ang inaasahang lalahok sa naturang sports meet na inorganisa ng Philippine ASEAN Para Games Organizing Committee sa ilalim ni dating Philippine Sports Commissioner Mike Barredo.
Magaganap ang opening ceremonies ng 3rd ASEAN Para Games sa maalamat na Rizal Memorial Track and Field Stadium sa Malate, Manila kung saan si Lea Salonga ang kakanta ng theme song ng event.
Kabilang sa mga sports events na nakalinya sa nasabing sports meet, ayon kay Barredo, ay ang athletics, swimming, powerlifting, badminton, table tennis, wheelchair basketball, goalball, chess, wheelchair tennis at judo. Tatayo namang mga demonstration sports ang sailing, boccia, tenpin bowling at fencing. (RCADAYONA)