^

PSN Palaro

3rd ASEAN PARA Games naman ang rarampa

-
Matapos ang 23rd Southeast Asian Games, ang 3rd ASEAN Para Games naman ang pamamahalaan ng Pilipinas sa Disyembre 14 hanggang 21.

Humigit-kumulang sa 1,000 differently-abled athletes ang inaasahang lalahok sa naturang sports meet na inorganisa ng Philippine ASEAN Para Games Organizing Committee sa ilalim ni dating Philippine Sports Commissioner Mike Barredo.

Magaganap ang opening ceremonies ng 3rd ASEAN Para Games sa maalamat na Rizal Memorial Track and Field Stadium sa Malate, Manila kung saan si Lea Salonga ang kakanta ng theme song ng event.

Kabilang sa mga sports events na nakalinya sa nasabing sports meet, ayon kay Barredo, ay ang athletics, swimming, powerlifting, badminton, table tennis, wheelchair basketball, goalball, chess, wheelchair tennis at judo. Tatayo namang mga demonstration sports ang sailing, boccia, tenpin bowling at fencing. (RCADAYONA)

BARREDO

DISYEMBRE

HUMIGIT

KABILANG

LEA SALONGA

PARA GAMES

PARA GAMES ORGANIZING COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSIONER MIKE BARREDO

RIZAL MEMORIAL TRACK AND FIELD STADIUM

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with