Ang mga atletang ito ay galing sa RP traditional boat team na naka-sweep ng anim na gintong medalyang nakataya sa naturang event upang tanghaling hari ng La Mesa Dam.
Pinangunahan nina Sahud Hakim, Ruperto Sabijon, Jun Rey Duyumat, Manuel Maya, Ricky Sardena at Romy John Dionio na nakalista sa lahat ng apat na events sa mens division ng dragon boat race.
Anim na traditional boat racers ay kasama sa RP team na sumagwan ng ginto sa 20 a-side at 10 a-side ng 500 meter race at 20 a-side at 10 a-side ng 1,000-meter race, na ginastusan ng San Miguel Corporation ang training at exposure. Ang dating national at ex-PBA cager na si Samboy Lim ang project director for Tradition Boat race sa SEA Games na isa lamang sa 13 sports association na tinulungan ng SMC.
May nakalaang P200,000 na cash incentives para sa gold medal winner ng team event (limang tao pataas) mula sa Philippine Sports Commission.
Sina Hakim, Sabijon, Duyumat, Maya, Sardena at RJ Dionio ay tatanggap ng hindi bababa sa P40,000 na parte sa matatanggap na insentibo ng Traditional boat riders na makakakuha ng P1.2 milyon mula sa PSC.
Gayunpaman, nasapawan ang tagumpay ng mga RP paddlers ng maningning ng tatlong individual gold ng swimmer na si Miguel Molina kung saan binasag niya ang mga national records sa 200m individual medley, 400m individual medley at 200m breaststroke para pamunuan ang kampanya ng RP tankers sa Trace Aquatics Center sa Los Baños, Laguna.
Mayroon ding tatlong gold si Benjamin Tolentino sa rowing, Sheila Mae Perez sa diving at ang cue artists na si Alex Pagulayan.
Tinapatan naman ito ng ibang traditional boat racers na sina Diomedes Manalo, Rico Padilla, Usman Anterola, Joemar Ocquiana, Wilton Baccay, Rolando Isidro, Alex Sumagaysay, Salvador Sumagaysay at Ramel Domenios na sumakay sa 20 a-side at 10 a-side ng 500m race at 20 a-side ng 1,000m race.
Nakatatlong ginto rin sina Ric Nacional, Ronald Tan, Ricardo Toyay, Harland Baraquero, Perlito Idorot, Cresanto Pabulayan, Andres Manongsong, Norman Bacus, Jesus Asok at Romel Dionio na sumakay naman sa 20 a-side at 10 a-side ng 1,000m race at 20 a-side ng 500m race.
Para sa mga individual winners, P100,000 ang bonus na ibibigay ng PSC sa mga gold medal winners bukod pa sa Hongkong trip na ipinangako ni First Gentleman Mike Arroyo, P50,000 sa silver medal winners at P10,000 sa bronze medalists. (CVOchoa)