RP archers pumana pa ng 2 gold
December 5, 2005 | 12:00am
Subic Bay Freeport--Kapwa pinana ng RP team men and women archers ang dalawang ginto sa isang hindi makakalimutang labanan sa huling yugto ng show-down ng Archery team category (3 rounds/4 team member) final event sa Remy Field sa 23rd Southeast Asian Games dito kahapon.
Pinagtulungan nina Pinay top seeded Jennifer Chan at Amaya Paz na maiangat ang pag-asa ng bansa na makuha ang isa pang ginto matapos ang ikalawa at huling round ng Womens Team com-pound division kontra sa mahigpit na kalabang Indonesia.
Nag-ambag din ng napakalaki at napaka-importanteng puntos nina Joann Tabanag at Abbigail Tindugan para sa kopo-nan na naging dahilan na rin para maiungos ang iskor na 236 kontra sa 226 points at okupahin ang pu-westo ng naturang kum-petisyon.
Sa final showdown ng Archery team category ng Mens Recurve division, tila isang himala ang nangyari sa mga Pinoy archers na binanderahan nina Marvin Cordero, Mark Javier, Christian Cubilla at Florante Matan na pinana ang gintong medalya sa isang "shoot-off" laban sa Indo-nesia sa puntos na 25-24.
Hindi naman naging mapalad ang Pinoy sa mens compound team makaraang makalusot sa kanila ang gold nang igupo sila ng Malaysian archers na pinangunahan nina Lang Hon Keong at Ting Leong Fong. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am