Kahapon, kinubra ng Blu Boys at Blu Girls ang gintong medalya sa soft-ball event na ginaga-nap sa Rosario Sports Com-plex.
Pinabagsak ng Blu Boys ang Indonesia, 3-1 at nakumpleto ang torneo ng walang bahid na talo ang Blu Girls ay binugbog ang Indonesia, 8-0 sa isang pina-ikling 5-inning na laro.
Pumukol ng four hitter si pitcher Marciano Sta Maria nang talunin ng Blu Boys ang Indonesia upang makopo ang koro-na ng mens softball sa pamamagitan ng walang bahid na talo.
Bagamat bokya sa unang inning, pagdating ng sumunod na inning ay biglang pumutok ang mga bat ng mga Pinoy at mata-pos makarating sa first base si Manuel Bacarisas, isang outside the left fence na palo ang isinalubong ni Darius Bacarisas, nakata-tandang kapatid ni Manuel at ang dalawa ay magka-sunod na umiskor sa pamamagitan ng two-run homerun.
"I am happy and I believe that this will be the start of softball becoming as popular like in the 70s. Of course both the Blu Girls and Blu Boys will receive cash incentive from me aside from the incentives they will receive from the PSC," pahayag ni Jean Henri Lhuillier, team manager ng Blu Boys at Blu Girls.
Sa kababaihan na-man, hindi binigyan ng pagkakataon ni Syrel Ramos ang Indonesia ng kahit isa man lang na hit ng padapain ng Blu Girls ang Indonesia, 8-0 sa pinaikling 5-inning na laro.
Nagtala naman si Nimpha Baral ng tatlong RBI (runs batted in) na kasama sina Esmeralda Tayag na may dalawa at Gina Salvador na may isa tulad ni Keimster Liwas na may isa sa pamamagitan ng solo homerun sa ika- limang inning upang pangunahan naman ang opensa ng Blu Girls.
Nauna rito, iniregalo naman ng Thailand ang kanilang bronze medal sa kaarawan ng kanilang hari na si King Bhumibol makaraang sorpresahin ang Singapore, 10-0. (LJVillena)