At isa sa pangunahing insidente ay ang paraan ng mga judges sa pag-score sa first round sa laban ni Reynaldo Galido sa middleweight finals match kontra kay Suriya Prasathinpimai. At sa pagta-tapos ng opening round, hawak na ng Thai ang 11-4 bentahe at ng ang dalawang fighters ay kapwa nagpunta sa kani-kanilang corners, nag-simula ng mag-init ang ulo ng mga manonood na nagsi-mulang maghagis ng tig-P10 na barya na tumama sa ring post, dito na nagsimula ang pag-ulan ng mas marami pang coins at iba pang debris.
At huli na ng malaman mula sa Amateur Boxing Association of the Philippines chief na si Manny Lopez na si Galido, ipinanganak sa Negros Occidental ay nagdesisyon na umatras na lamang sa laban dahil sa hindi naman binibigyan ng puntos ang mga suntok na kanyang pinatatama sa kalaban.
"Hindi naman kasi ini-iskoran yung mga itinama niyang suntok kaya nag-decide na lang siyang mag-quit," ani Lopez.
Ayon naman kay Bacolod Rep. Monico Puentevella, na hindi niya masisisi ang naging reaksiyon ng mga manonood dahil batid ng mga Pinoy ang tamang pagtanggap ng kabi-guan na walang halong kada-yaan.
Nagwagi ang Philippines ng apat mula sa limang gintong pinaglabanan sa womens division at isa lamang ang Thai-land, pero apat lamang ang nakapagbulsa ng ginto sa bansa ng mananalasa ang malalaking fighters ng Thailand. (JM MARQUEZ)