Kinubra ng mga Filipino cue artists ang kanilang pang walong gintong me-dalya sa pamamagitan ng 11-0 paglupig ni Rubilen Amit kay Suhana Dewi B. Sabtu ng Malaysia sa finals ng kanilang race-to-11 womens 9-ball singles kahapon sa pagtatapos ng kompetisyon sa 23rd SEA Games sa Makati Coliseum.
Kinolekta ng Team Philippines ang kabuuang 8 gold, 2 silver at 1 bronze medals upang ganap nang angkinin ang overall cham-pionship ng billiards and snooker event ng naturang biennial meet.
Noong 1991 Manila SEA Games, pumitas ang mga Pinoy cue masters ng kabuuang 4 gold at 2 silvers, samantalang nag-uwi naman sila ng 2-2-25 noong 2003 SEA Games sa Vietnam.
Ang nasabi namang pananaig ni Amit kay Sabtu ang siya niyang ikalawang gintong medalya makaraang itumba si Hoe Shu Wah ng Singapore, 9-5, sa kanilang race-to-9 finals match sa womens 9-ball singles. (Russell Cadayona)