^

PSN Palaro

RP billiards may 8 golds

-
Ito na ang pinakama-gandang naging kam-panya ng Team Philippine sa billiards and snooker event ng Southeast Asian Games. 

Kinubra ng mga Filipino cue artists ang kanilang  pang walong gintong me-dalya sa pamamagitan ng 11-0 paglupig ni Rubilen Amit kay Suhana Dewi B. Sabtu ng Malaysia sa finals ng kanilang race-to-11 women’s 9-ball singles kahapon sa pagtatapos ng kompetisyon sa 23rd SEA Games sa Makati Coliseum. 

 Kinolekta ng Team Philippines ang kabuuang 8 gold, 2 silver at 1 bronze medals upang ganap nang angkinin ang overall cham-pionship ng billiards and snooker event ng naturang biennial meet. 

Noong 1991 Manila SEA Games, pumitas ang mga Pinoy cue masters ng kabuuang 4 gold at 2 silvers, samantalang nag-uwi naman sila ng 2-2-25 noong 2003 SEA Games sa Vietnam. 

Ang nasabi namang pananaig ni Amit kay Sabtu ang siya niyang ikalawang gintong medalya makaraang itumba si Hoe Shu Wah ng Singapore, 9-5, sa kanilang race-to-9 finals match sa women’s 9-ball singles. (Russell Cadayona)

vuukle comment

HOE SHU WAH

MAKATI COLISEUM

RUBILEN AMIT

RUSSELL CADAYONA

SABTU

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SUHANA DEWI B

TEAM PHILIPPINE

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with