^

PSN Palaro

Pinas, SEAG overall champion

- Carmela Ochoa -
Hindi tumigil sa pag-mimina ang mga RP athletes para sa katupa-ran ng pinapangarap ng Pilipinas na overall title sa Southeast Asian Games.

Isinubi ng Team Philip-pines ang kanilang pina-kamalaking produksiyon sa isang araw upang tulu-yang masiguro ang overall title sa ika-23rd edisyon ng biennial meet.

Nahigitan na ng RP athletes ang kanilang pinakamalaking medal out-put na 21 golds na ang inaani ng Pinas sa 96-gintong nakataya kaha-pon, hanggang sa sinu-sulat ang balitang ito.

Na-surpass na rin ng Team Philippines ang pinakamalaking produk-siyon ng bansa na 91-golds nang huling mag-host ang bansa noong 1991 para kapusin la-mang ng isang ginto sa overall title na nakopo ng Indonesia.

Mayroon nang 111-golds ang Pinas bukod pa sa 77-silvers at 87 bronzes upang tuluyan nang hubaran ng titulo ang defending overall champion na Vietnam sa likod ng pumapanga-lawang Thailand na may 40-golds na distansiya sa Philippines, halos 40 na ginto na lamang ang natiti-rang pinaglalabanan.

Mayroon 76-golds, 77-silvers at 109 bronzes ang Thailand ngunit di naka-kalayo ang Vietnam na may 64-golds, 57-silvers at 81-bronzes na may kakayahang makasilat dahil may natitira pang mahigit 40-golds kagabi.

Pinagana ni Christabel Martes ang ‘mining machine’ nang bansa nang kanyang makopo ang unang ginto ng araw kung saan hinigitan ng Team Philippines ang pinakamalaking produk-siyon ng bansa na 20-golds noong Martes, matapos nitong pangu-nahan ang women’s 42-kilometer marathon sa Macapagal Boulevard na nagsimula at nagtapos sa Rizal Memorial Track Oval.

Tatlong ginto ng traditional boat racers na naka-sweep ng 6-golds sa naturang event sa La Mesa Dam upang tang-haling overall champion ng naturang sport na pinarisan naman ng mga muay athletes sa GSIS Theatre sa Pasay City upang banderahan ang 21-golds na naisusubi ng RP athletes.

Nakopo ni Roland Claro ang ginto mula sa 45-48kgs. division habang nakasiguro ng gold sa 51-54 kgs. class at 54-57 kgs. category dahil sa all-Filipino finals.

Nanalo ng dalawang golds ang mga golfers na sina Juvic Pagunsan sa men’s singles at pinangu-nahan nito ang RP team na kumopo ng gold sa team event kasama sina Michael Bibat, Jay Bayron at Marvin Dumandan sa The Country Club sa Sta. Rosa, Laguna.

Naka-dalawa din sa bodybulding mula kina Michael Borrenegasa bantamweight class at Alfredo Trazona sa welterweight class sa GSIS Theater sa Pasay City.

Na-sweep din ng RP batters ang softball com-petition sa Rosario Sports Complex baseball field kung saan tinalo nila ang Indonesia sa men, 3-2 at women’s division, 8-0.

May dalawang gold din sa archery sa Remy Field ng Subic Free Port Zone  sa tagumpay ng men’s recurve team nina Marvin Cordero, Christian Cubilla, Mark Javier at Florante Matan gayundin ang women’s compound squad nina Jennifer Chan, Amaya Paz, Joan Taba-ñag at Abigail Tindugan.

Ang iba pang naka-paghatid ng gold para sa Pinas ay sina Anna Joy Fernandez sa women’s full contact sa arnis, Rubilen Amit sa 9-ball singles ng billiards, ang tambalang Eric Taino at Rizza Zalameda sa tennis, Marniel Dimla sa pencak silat, Liza Clutario sa masters division ng bowling at ang men’s baseball team na tumalo sa Thailand, 11-0.

vuukle comment

ABIGAIL TINDUGAN

ALFREDO TRAZONA

AMAYA PAZ

ANNA JOY FERNANDEZ

CHRISTABEL MARTES

CHRISTIAN CUBILLA

COUNTRY CLUB

GOLDS

PASAY CITY

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with