Gold-silver sa Pinay archers
December 4, 2005 | 12:00am
Subic Bay Freeport--Pinana na ng tuluyan ni Pinay acher Amaya Paz ang ginto matapos talunin ang kanyang karibal at kababayan na si Jennifer Chan sa Womens final Individual compound competition ng Southeast Asian Games Archery event kahapon sa Remy Field dito.
Bagamat hindi gaano ang pressure dahil parehong Pinay ang naglaban, naging seryoso pa rin sa pagpana ng ginto si Paz kung saan umiskor ito sa huling final 4 arrows kay Chan, 115-114.
Bagamat talunan si Chan, na nakunteto sa silver, umiiyak na niyakap at binuhat ang kababayang si Paz.
"Hindi ako makapaniwala na tinalo ko siya, ang alam ko sa unang round pa lamang ay makakaungos siya sa akin pero ginalingan ko talaga," wika ng 20 anyos na si Paz sa kalaban na beterano ng international competition.
Tinuhog naman ni RP No. 2 acher Rachel Ann Cabral ang bronze medal matapos ilaglag ang kanyang kalaban na si Novia Nuraini ng Indonesia sa iskor na 101-98 sa katatapos na Womens Individual Recurve final competition.
Nasungkit naman ng pambato ng bansa na si Marvin Cordero ang bronze medal. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am