^

PSN Palaro

Blu Girls bigo sa Thai pero bumangon laban sa Singapore

-
  Pasig City-- Isang masakit na karanasan ang dinanas ng RP Blu Girls nang sorpresahin sila ng Thailand sa isang 3-2 panalo kahapon sa 23rd SEAG softball torneo na ginaganap sa Rosario Sports Complex dito.

 Higit na naging masa-kit ang kabiguang ito sa Blu Girls dahil ito ang kauna-unahang pagka-talo nila sa buong kasay-sayan ng softball laban sa Thai girls na sinaksihan ng may 67,000 kababayan na dumayo dito, bukod sa wala pang panalo ang Thailand bago ang laban na ito.

Gayunpaman, maka-raan ang dalawang oras, bumangon muli ang Blu Girls upang pataubin naman ang Singapore 2-1.

Nagtala naman ang Singapore ng come-from-behind 8-7 panalo sa Indonesia para makopo ang bronze medal.

Dahil sa pangyayari, ang Blu Girls ay makaka-harap ang Indonesia mamaya, ngunit ang Indonesia ay kailangan talunin ang Blu Girls ng hindi kukulangin sa 5-run na kalamangan para makuha ang korona.

Makaharap naman ng Blu Boys ang Indonesia para sa korona sa men’s at tinatayang ang pag-bawi ng Blu Boys sa koronang naagaw ng Indonesia noong 1997 SEAG ay halintulad lang ng namamasyal sa plaza kadali dahil sa kinakaila-ngan talunin ng Indonesia ang Blu Boys ng hindi kukulangin sa 31 run na pinapalagay ng marami na halos imposibleng mangyari.

Naka-una kaagad ang Thailand ng tatlong run ng mag-experimento ang Blu Boys coach na si Rolly Malagit na pagsimulain mag-pitch si Joy Lanting na walang karanasan mag-pitch sa international na laro. (Lawrence John Villena)

vuukle comment

BLU

BLU BOYS

BLU GIRLS

DAHIL

GAYUNPAMAN

JOY LANTING

LAWRENCE JOHN VILLENA

PASIG CITY

ROLLY MALAGIT

ROSARIO SPORTS COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with