Pumedal ang 23 anyos ng gintong medalya upang maidagdag sa naunang gintong medalya ni Marites Bitbit, makaraang yanigin ang Malaysian rider.
"Binigay ko na ang lahat, talagang inubos ko na dito para sa gold," tanging sambit ni Catalan.
Si Catalan, nagwagi ng bronze sa criterium noong 2003 Vietnam Games, ay underdog pa sa karera kung kagamitan ang pag-uusapan. Ginamit lang nito ang standard track bike na ibinigay sa kanya ng PHILSOC, habang gamit naman ng Malaysia cyclist ay pang- track time trial na bike, ngunit naorasan ito ng 4:49.51 segundo na sapat na para sa gintong medalya. Nakuha ni Jamaluddin ang silver at bronze naman kay Suwandra ng Indonesia (5:07.78).
Humugot din ng silver ang Philippines nang baiwan sila ng Malaysia sa team pursuit at bronze naman sa team sprint.
Magwawakas ang cycling ngayon sa pamama-gitan ng mens criterium na magsisimula sa ganap na alas-9 ng umaga sa Luneta. Sasakay para sa Team Philippines sina Warren Davadilla, Enrique Domingo at Ericson Obosa. (Lawrence John Villena)