Walang awang nirapido ni Magliquian si Zaw Myo Min ng Myanmar na naging daan upang itigil na ng referee ang kanilang laban kung saan angat ang Pinoy boxers sa 22-3.
Sa kabilang banda, ipinamalas naman ni Tanamor, ang defending champion ang kanyang supremidad kay Kyaw Swan Aung upang itarak ang 27-7 panalo na naging tulay din upang itigil na rin ng referee ang kanilang laban sa third round.
Gaya ni Tanamor, pinatalsik ni Magliquian ang Thai pug na matagal na niyang karibal na si Keanus Pang-payoon upang makarating sa finals ay muling suman-dal sa kanyang malalim na karanasan sa international stint upang pangunahan ang kampanya ng Philip-pines na maagaw ang overall crown mula sa Thailand.
Maagang idinikta ng 32-anyos na si Magliquian ang tempo ng magbigay agad siya ng matinding pressure at patamaan ang mas mataas na kalaban sa bisa ng kanyang kanan at solidong hooks na nagpaangat sa upuan ng mahigit sa 7,000 manonood sa La Salle Gymnasium na kinabibilangan ng First Gentleman Mike Arroyo at ng kanyang anak na si Dato.
Bago ang sensational na panalo ni Magliquian, isi-nubi muna ng mga Pinay fighters ang apat na medalya sa pangunguna ni lightweight Mitchell Martinez, kasama sina pinweight Alice Aparri, fly Annie Albania at bantam Jouvilet Chilem.
Ginapi ni Martinez, ang reigning Asian champion si Ratree Kruake ng Thailand, 28-10, habang pina-yukod ni Aparri si Myanmars Kyu Kyu Thi sa second round at tinalo naman ni Albania si Ta Thi Hingia ng Vietnam, 22-3.
Dominado ng Thailand ang SEAG boxing simula noong Kuala Lumpur meet noong 2001 at maging sa Vietnam noong 2003 ng manalo ang kanilang mahuhu-say na fighters ng pitong gold sa bawat edisyon. (JM MARQUEZ)