^

PSN Palaro

Nagningning ang gold ng Pinas

- Carmela Ochoa -
Abot kamay na ang kauna-unahang overall title sa Southeast Asian Games ng Team Philippines na walang tigil sa pagkayod ng gintong medalya upang lalong patatagin ang kapit sa pangkala-hatang pamumuno sa ika-23rd edisyon ng biennial meet.

Labindalawang ginto, apat nito ay hatid ng RP women’s boxers,  ang isinubi ng RP athletes hang-gang sa sinusulat ang balitang ito, mula sa 64 golds na nakataya kahapon para sa kabuuang 86-gintong medalya bukod sa 59-silvers at 66 bronzes.

Lalong lumaki ang distansiya ng RP athletes laban sa mga mahigpit na karibal na defending overall champion na Vietnam, Thailand at Malaysia na mahigpit ang labanan sa ikalawang puwesto.

Habang sinusulat ang balitang ito, nakabalik ang Vietnam sa ikalawang puwesto matapos mabokya kamakalawa, sa kanilang 51-golds, 52-silvers at 62-bronzes kasunod ang Thailand na may 50-62-81 gold-silver-bronze at Malaysia na may 46-35-37.

Para tibagin ang Philippines sa pangkalahatang pamumuno, ngayon na ang huling pagkakataon ng Vietnam, Thailand at Malaysia dahil 96-golds ang nakataya sa penultimate day, ang pinakamalaki sa biennial meet na ito.

Naisubi na ng apat  na babaeng boksingero ang unang tatlong gold sa boxing competition sa La Salle Coliseum sa Bacolod City kung saan 14-Pinoy pugs ang pumasok sa finals.

Nakagold  ang Pinoy pugs sa boxing competi-tion sa La Salle Coliseum sa Bacolod City, nang magsubi na ng ginto ang mga babaeng boksingero na sina Alice Kate Aparri sa pinweight division, Annie Albania sa flyweight, Jouvilet Chilem sa bantamweight class at si Mitchelle Martinez sa lightweight division.

Mayroon ding dalawang gold mula sa arnis team sa pagde-debut ng naturang event sa Emilio Aguinaldo College Gym sa dalawa rin sa judo team mula sa Mandaue Coliseum sa Cebu City.

Nagdeliber din ang Fil-Am tennis star na si Cecil Mamiit sa Rizal Memorial Tennis Center, German Paz sa sailing kompetisyon na dinomina ng Singa-pore sa kanyang tagumpay sa Olympic Classic RS:X sa Subic Yatch Club at cyclist Rene Catalan sa mula sa 4-kilometer Individual Pursuit sa Amo-ranto Velodrome.

Nanalo ang mga RP judokas na sina Gilbert Ramirez sa -73kgs class at Karen Solomon sa 70kgs category  gayundin sina Peter Celis, Glenn Llamador at Nathan Dominguez ang sa men’s team anyo na pinarisan naman nina Rochelle Quirol, Aireen Parang at Catherine Ballenas sa women’s division.

Nagtala naman ng 1-2 finish ang mga lady archers nang igupo ni Amaya Paz si Jennifer Chan sa women’s compound sa Remy Field ng Subic Bay Freeport sa kanyang kabuuang 116-114 sa final round.

AIREEN PARANG

ALICE KATE APARRI

AMAYA PAZ

ANNIE ALBANIA

BACOLOD CITY

CATHERINE BALLENAS

CEBU CITY

CECIL MAMIIT

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GYM

LA SALLE COLISEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with