Masusubukan ang galing nina Rhovyl Verayo at Parley Tupaz sa pamamagitan ng pakikipagtunggali sa Agus Salim- Koko Prasetyo Darkuncoro tandem ng Indonesia 1 sa mens division. Sa kabilang banda, haharapin naman nina Fil-Ams Diane Pascua at Heidi Ilustre sina Thailand duo Kamoltip Kulna at Jarunee Sannok sa womens class.
Dalawang grupo ang syang kumakatawan sa Pilipinas na binubuo nina Verayo at Tupaz para sa Philippine 1. Habang sina Pascua at Ilustre naman ang Fil-American squad na naglalaro para sa Philippine 2.
Siniguro na nina Verayo at Tupaz ang pwesto sa semis makaraang pataubin ang kalabang sina Thawip Thongkamnerd at Apichart Bualang, sa iskor na 2-1. Pinaghahandaan na rin ng Philippine 1 ang salpukan sa pagitan nina Salim at Darkun-coro para sa semis.
Samantala, hindi na hinayaan nina Pascua at Ilustre na makaporma pa ang all-Pinay team na sina Cecille Tabuena at Michelle Laborte ng Philippine 1 mula sa 2-0 kartada. Umabante na ang Fil-Am team nina Pascua at Ilustre sa engkwentro laban sa tambalan nina Kulna at Sannok sa semis.
Ang mananalo sa naturang paghaharap na kabibilangan ng dalawang de kalibreng Pinoy ang siyang magkakaroon ng pag-asang masungkit ang gintong medalya para sa mens at womens beach volleyball. (Sarie Francisco)