^

PSN Palaro

Gold inumit ni Mamiit

-
Nagsasasayaw, inikot-ikot ang loob ng Rizal Tennis Center, nagtata-talon sa sobrang kaliga-yahan at namigay ng -tshirt ang reaksiyon ni Fil-Am netter Cecil Mamiit makaraang sungkit ang gintong medalya sa 23rd Southeast Asian Games men’s tennis singles event.

Magiting na tinalo ni Mamiit, ang top seed na si Danai Udomchoke ng Thailand, 6-3, 5-7, 6-4 para sa tagumpay na nagwakas sa 14 na taong pagka-uhaw ng Pinoy netters sa men’s singles.

Ang unang men’s singles gold ay inangkin ni Felix Barrientos noong 1991 Manila SEA Games kung saan tatlong ginto ang inuwi ng Philippine Team noon.

Malamang na ma-pantayan itong record na ito makaraang magwagi ang mixed doubles pair nina Eric Taino at Riza Zalameda sa kanilang laban sa Thai pair nina Sanchai Ratiwatana at Montinee Thangphong.

Bukod pa ito sa pag-sulong ng men’s doubles team nina Mamiit at Taino laban naman kina Prima Simpatiaji at Sunu Wahyu Trijati ng Indonesia na nilalaro pa habang sinusulat ang balitang ito.

"This is just my simple way of repaying my coun-trymen for all the love they’ve given me," masa-yang pahayag ni Mamiit, na tuwing nananalo ay laging napapa-indak sa tugtuging "Pinoy Ako" .

"I think this is the best tennis I’ve ever played. I felt I got better and better. (Danai and I) were talking after the match and we agreed it was a perfect time for tennis. I really enjoyed it here…. the crowd, the support. I’m glad I delivered," dagdag pa niya. (Sarie Francisco)

vuukle comment

CECIL MAMIIT

DANAI AND I

DANAI UDOMCHOKE

ERIC TAINO

FELIX BARRIENTOS

MAMIIT

MONTINEE THANGPHONG

PHILIPPINE TEAM

PINOY AKO

PRIMA SIMPATIAJI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with