^

PSN Palaro

Figueroa bigo, Cabral pasok sa semis

-
SUBIC BAY FREEPORT – Binigo ng Indonesian top archer at defending champion Rina Demi Puspita Sari ang pambato ng Pinas na si Jasmine Figueroa sa kanilang face-off sa quarterfinal round ng women’s individual recurve ng 23rd SEA Games archery competition kahapon.

 Dinismaya ni Sari ang 20-anyos na si Figueroa sa kanilang huling labanan ng talunin nito ang Pinay archer sa masalimuot na puntos na 96-95.

Bagamat bigo, binigyan ng "standing ovation" at malakas na palakpakan si Figueroa habang naglalakad ito ng archery ground kung saan sinuklian naman ito ng Pinay archer ng isang matamis na ngiti.

Subalit bago naganap ang hindi kapani-paniwalang pagkatalo, abante si Figueroa kay Sari ng 6 na puntos matapos rumatsada ito sa una at ikalawang round ng final 3-arrow event sa quarterfinal competition.

Tinabunan naman ng RP No. 2 archer na si Rachelle Ann Cabral ang kabiguang ito ng kababayan nang pataubin niya si Anabarasi Subramaniam ng Malaysia, 104-99.

Tiyak na ipaghigiganti ng 20 anyos na si Cabral ang kabiguan ni Figueroa sa kanyang pakikipagharap kay Sari sa semis.

Bukod kay Cabral, umusad din si Earl Benjamin Yap habang napatalsik naman si Carlos Carag sa men’s compound ni I. Gusti Nyoman Puhurito Praditya ng Indonesia, 112-111. (Jeff Tombado)

ANABARASI SUBRAMANIAM

CABRAL

CARLOS CARAG

EARL BENJAMIN YAP

FIGUEROA

GUSTI NYOMAN PUHURITO PRADITYA

JASMINE FIGUEROA

JEFF TOMBADO

PINAY

RACHELLE ANN CABRAL

RINA DEMI PUSPITA SARI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with