^

PSN Palaro

Baylon wala pa ring kupas

-
CEBU CITY – Hindi pa rin kumukupas ang Pinoy judoka na si John Baylon at ipinakita ang kanyang dominasyon makaraang ilista ang record na pitong SEA Games title nang sungkitin nito ang ginto sa judo event ng biennial sports meet sa dinumog na Mandaue City Sports and Cultural Complex.

Sa finals, inipit ni Baylon si Yan Naing Soe ng Myanmar gamit ang mahigpit na pagkakapilipit para sa isang ippon (full point) may 1:28 ang nawala sa limang minutong laban at patatagin ang kanyang estado bilang undisputed judo champion sa -81 kgs. division ng SEA Games.

"I’m very happy. I’ve proven that at 41 years old, I can still be a champion. Time hasn’t wear me down and I’m up for the next SEA Games (in 2007 in Bangkok)," ani Baylon, na wala pa ring planong magretiro sa ngayon.

Nangailangan lamang ang 41 anyos na si Baylon ng 64 minuto para dispatsahin si Hoang Hai Ho ng Vietnam.

Nakausad sa finals si Baylon na tubong Binalbagan, Negros Oriental pero lumaki sa Zamboanga, nang daigin nito ang Indonesian na si Jimmy Anggoro gamit ang shimewaza (choking) strategy sa 3:13 oras ng limang minutong extension.

Samantala, bronze medal naman ang inihatid ni Elmarie Malasan sa -52 kgs. makaraang gapiin si Thiri Min Aung ng Myanmar sa repechage.

Nawala ang tsansa ni Malasan na makasungkit ng medalya nang daigin siya ni Boosa Streetanaratan.

Hindi rin naging masuwerte si Sidney Schwarzkopt at Rezil Rosales na kapwa bigo sa kanilang mga kalaban.

Patuloy na maghahanap ng gintong medalya ang judokas ngayon kung saan idedepensa ni Gilbert Ramirez ang kanyang korona sa -73 kgs, habang aasintahin naman ni Aristotle Lucero ang gold sa -66 kgs. division.

Sasabak din si Ruth Dudaduga sa +70 kgs at Estie Gay Liwanen sa -65 kgs. category. (Emmanuel B. Villaruel)

vuukle comment

ARISTOTLE LUCERO

BAYLON

BOOSA STREETANARATAN

ELMARIE MALASAN

EMMANUEL B

ESTIE GAY LIWANEN

GILBERT RAMIREZ

HOANG HAI HO

JIMMY ANGGORO

JOHN BAYLON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with