Bagamat dumaan sa butas ng karayom, nalusutan ni Mamiit, rank 211 sa mundo, si 4th seed Prima Simpatiaji ng Indonesia, 7-6 (2), 7-6 (4) sa semifinals kahapon.
Gayunpaman, hindi naman naging masuwerte ang kababayan at kapwa niya Fil-Am na si Eric Taino na yumukod kay top seed at defending champion Danai Udomchoke ng Thailand, 7-6 (5) 6-4 sa naunang singles match.
Ipinakita ng Worlds 129th player na si Udomchoke ang kanyang tikas sa paglalaro nang mula sa 2-5 paghahabol sa unang set at nakuha pa nito ang panalo.
Kapag sinuwerte, si Mamiit ang unang mens singles champion sa SEAG makalipas ang mahabang panahon sapul nang huli itong napagwagian ni Felix Barrientos noong 1991 Manila SEA Games.
Bukas ng alas-3 nakatakda ang finals sa mens singles. (Sarie Francisco)